-
HulaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
hula [dahil sa naganap noong magbagong-anyo si Jesus]; at mabuti ang inyong ginagawa kung ito’y inyong pag-ukulan ng pansin . . . Sapagka’t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman, kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Diyos samantalang nangauudyukan ng banal na espiritu.”
Kaw. 4:18: “Ang landas ng matuwid ay gaya ng maningning na liwanag na sumisikat nang higit at higit hanggang sa ang araw ay lubusang mahayag.”
Mat. 4:4: “Nabubuhay ang tao, hindi sa tinapay lamang, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ni Jehova.” (Kasama na rito ang kaniyang dakilang makahulang mga pangako.)
2 Tim. 3:16: “Lahat ng mga Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagsasanay sa katuwiran.” (Kaya ang buong nasusulat na Salita ng Diyos ay nararapat nating masinsinang pag-aralan.)
Kung May Magsasabi—
‘Sobra naman ang pagdiriin ninyo sa hula. Ang kailangan lamang ay ang tanggapin si Kristo bilang Tagapagligtas at mamuhay bilang isang mabuting Kristiyano’
Maaari kayong sumagot: ‘Totoo na mahalaga ang ginawa ni Jesu-Kristo. Nguni’t alam ba ninyo na ang isang dahilan kung bakit hindi siya tinanggap ng mga Judio noong unang siglo ay sapagka’t hindi nila pinag-ukulan ng pansin ang mga hula?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Inihula ng Hebreong Kasulatan kung kailan lilitaw ang Mesiyas (Kristo) at kung ano ang kaniyang gagawin. Nguni’t hindi pinansin ng karamihan sa mga Judio ang sinabi ng mga hulang ito. May sarili silang palagay hinggil sa kung ano ang dapat gawin ng Mesiyas, kung kaya’t tinanggihan nila ang Anak ng Diyos. (Tingnan ang pahina 200, sa ilalim ng “Jesu-Kristo.”)’ (2) ‘Nabubuhay tayo ngayon sa panahong si Kristo ay nagpupuno na bilang makalangit na Hari at pinagbubukud-bukod ang mga tao ng lahat ng mga bansa, alinman sa buhay o sa kapahamakan. (Mat. 25:31-33, 46) Nguni’t iba ang inaasahan ng karamihan ng mga tao.’
O maaari ninyong sabihin: ‘Sang-ayon ako na mahalaga ang maging mabuting Kristiyano. Nguni’t ako ba’y magiging mabuting Kristiyano kung gagawin ko ang ilan lamang sa mga itinuro ni Kristo nguni’t ipagwawalang-bahala naman ang sinabi niyang dapat nating unahin sa buhay? . . . Pansinin ang sinabi niya gaya ng nakaulat sa Mateo 6:33.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Hindi ba tayo tinuruan ni Jesus na idalangin ang Kahariang iyan, at unahin ito kaysa paghingi ng kapatawaran dahil sa ating pananampalataya sa kaniya bilang Tagapagligtas? (Mat. 6:9-12)’
-
-
Mga Huling ArawNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Mga Huling Araw
Kahulugan: Ginagamit ng Bibliya ang pananalitang “mga huling araw” upang tumukoy sa huling yugto ng panahon bago sumapit ang itinakda ng Diyos na pagpuksa na mangyayari sa katapusan ng isang sistema ng mga bagay. Ang Judiong sistema at ang pagsamba nito may kaugnayan sa templo sa Jerusalem ay nakaranas ng mga huling araw sa panahon na umabot sa sukdulan noong 70 C.E. Ang nangyari noon ay lumalarawan sa mararanasan pa sa lalong matinding paraan sa buong globo sa panahong ang lahat ng mga bansa ay mapapaharap sa paggagawad ng hatol na itinakda ng Diyos. Ang mga huling araw ng kasalukuyang balakyot na sistema ng mga bagay ay nagsimula noong 1914, at ang ilan sa lahing nabubuhay noon ay makasasaksi sa ganap na kawakasan nito sa “malaking kapighatian.”
Ano ang nagpapatotoo na tayo ngayon ay nabubuhay sa “mga huling araw”?
Inilalarawan ng Bibliya ang mga pangyayari at kalagayan na magiging palatandaan ng mahalagang panahong ito. “Ang tanda” ay binubuo ng maraming pinagsamasamang katibayan; kaya upang matupad ito ay kailangang makitang nangyayari ang lahat ng bahagi ng tanda sa loob lamang ng isang lahi. Ang iba’t-ibang bahagi ng tanda ay nakaulat sa Mateo mga kabanata 24, 25, Marcos 13, at Lucas 21; may karagdagan pang mga detalye sa 2 Timoteo 3:1-5, 2 Pedro 3:3, 4, at Apocalipsis 6:1-8. Upang ipaghalimbawa ito, isasaalang-alang natin ang ilan sa natatanging bahagi ng tanda.
“Magsisitindig ang bansa laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian” (Mat. 24:7)
Ang buhay sa lupa ay pininsala ng digmaan sa loob ng libulibong taon. Sumiklab ang mga digmaan sa pagitan ng mga bansa at sa gitna mismo ng mga bansa. Nguni’t noong 1914 nagsimula ang unang pandaigdig na digmaan. Hindi lamang ito isang labanan sa pagitan ng dalawang hukbo sa larangan ng digmaan. Sa kaunaunahang pagkakataon, lahat ng malalaking bansa ang nagdidigmaan. Buong mga bansa—pati ang karaniwang mga mamamayan—
-