-
Jesu-KristoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Kung May Magsasabi—
‘Hindi kayo naniniwala kay Jesus’
Maaari kayong sumagot: ‘Maliwanag na kayo’y isang tao na naniniwala kay Jesus. At ganoon din ako; kung hindi’y wala sana ako rito ngayon.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Sa katunayan, ang halaga ng pananampalataya kay Jesus ay pangunahin nang itinatampok sa aming mga babasahin. (Buksan ang isang angkop na kabanata sa alinmang aklat na inyong iniaalok at gamitin ito bilang saligan sa pag-uusap, na itinatampok ang kaniyang papel bilang Hari. O basahin ang isinasaad sa pahina 2 ng Ang Bantayan, hinggil sa layunin ng magasing ito.)’
O maaari ninyong sabihin: ‘Puwede ko po bang itanong kung bakit ninyo nasabi ito?’
Isa pang posibilidad: ‘Marahil ay may nagsabi sa inyo nito, subali’t nais ko pong sabihin na hindi ito totoo, sapagka’t kami ay may matibay na pananampalataya kay Jesu-Kristo.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (1) ‘Subali’t hindi namin pinaniniwalaan ang lahat ng sinasabi ng mga tao tungkol kay Jesus. Halimbawa, may nagsasabi na siya’y isa lamang mabuting tao, hindi Anak ng Diyos. Hindi kami naniniwala rito, kayo po naman? . . . Hindi ito ang itinuturo ng Bibliya.’ (2) ‘At hindi rin namin pinaniniwalaan ang mga turo ng mga grupo na sumasalungat sa sinabi mismo ni Jesus tungkol sa kaniyang kaugnayan sa kaniyang Ama. (Juan 14:28) Binigyan siya ng kaniyang Ama ng kapangyarihan na magpuno at ito’y umaapekto sa buhay nating lahat ngayon. (Dan. 7:13, 14)’
‘Tinatanggap ba ninyo si Jesus bilang personal na Tagapagligtas?’
Maaari kayong sumagot: ‘Maliwanag na sinasabi ng Bibliya . . . (sipiin ang Gawa 4:12). Naniniwala ako rito. Subali’t natutuhan ko rin na may lakip itong mabibigat na pananagutan. Ano iyon? Buweno, kung talagang naniniwala ako kay Jesus, hindi ako puwedeng maniwala sa kaniya kung ito’y kumbinyente lamang para sa akin.’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Ang kaniyang sakdal na buhay na inihandog bilang hain ay nagbubunga ng kapatawaran ng ating mga kasalanan. Subali’t nalalaman ko rin na mahalagang magbigay-pansin sa kaniyang mga tagubilin hinggil sa mga pananagutan natin bilang mga Kristiyano. (Gawa 1:8; Mat. 28:19, 20)’
O maaari ninyong sabihin: ‘(Pagkatapos tiyakin na kayo nga ay naniniwala kay Jesus bilang Tagapagligtas, hindi lamang ng inyong sarili, kundi ng lahat ng sumasampalataya sa kaniya . . . ) Mahalaga na tumugon tayo nang may pagpapahalaga, hindi lamang sa sinabi niya noong nakaraan kundi sa kung ano rin ang ginagawa niya ngayon. (Mat. 25:31-33)’
‘Tinanggap ko na si Jesus bilang personal na Tagapagligtas’
Maaari kayong sumagot: ‘Natutuwa akong marinig na kayo ay naniniwala kay Jesus, sapagka’t napakaraming tao ngayon ang hindi nag-uukol ng pansin sa ginawa ni Jesus para sa atin. Walang alinlangan na alam-na-alam ninyo ang kasulatan sa Juan 3:16, hindi po ba? . . . Subali’t saan kaya mabubuhay ang mga taong ito? Ang ilan ay makakasama ni Kristo sa langit. Subali’t ipinakikita ba ng Bibliya na lahat ng mabuting tao ay pupunta roon? (Mat. 6:10; 5:5)’
-
-
Mga JudioNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Mga Judio
Kahulugan: Gaya ng karaniwang ginagamit ngayon, ang termino ay tumutukoy sa mga tao na may Hebreong pinagmulan at sa iba pa na nakumberte sa Judaismo. Binabanggit din ng Bibliya na may mga Kristiyano na Judio sa espiritu at na sila’y bumubuo sa “Israel ng Diyos.”
Ang mga likas na Judio ba sa ngayon ang siyang piling bayan ng Diyos?
Ito ang paniwala ng maraming Judio. Sinasabi ng Encyclopaedia Judaica (Jerusalem, 1971, Tomo 5, kol. 498): “BAYANG PINILI, isang karaniwang katawagan para sa mga taga-Israel, na nagpapahayag ng paniwala na ang bayang Israel ay may pantangi at kakaibang pakikipag-ugnayan sa pansansinukob na maykapal. Ang paniwalang ito ay pangunahin sa buong kasaysayan ng kaisipang Judio.”—Tingnan ang Deuteronomio 7:6-8; Exodo 19:5.
Marami sa Sangkakristiyanuhan ang may ganito ring paniwala. Ang seksiyong “Relihiyon” ng Journal and Constitution ng Atlanta (Enero 22, 1983, p. 5-B) ay nag-ulat ng ganito: “Salungat sa daan-daang taon nang mga turo ng mga iglesiya na ang Diyos ay ‘nagtakwil sa kaniyang bayang Israel’ at hinalinhan sila ng isang ‘bagong Israel,’ siya [si Paul M. Van Buren, teologo sa Temple University sa Philadelphia] ay nagsasabi na ang mga iglesiya sa ngayon ay naniniwala na ‘ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng bansang Judio ay walang-hanggan. Ang kamanghamanghang pagbalikwas na ito ay ginawa kapuwa ng mga Protestante at
-