-
Mga PetsaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
ng 607 B.C.E., ang kahulihulihang bakas ng Judiong soberanya ay naglaho. Nang panahong yaon, ang Judiong gobernador, si Gedalias, na iniwan ng mga taga-Babilonya upang mamahala, ay pinatay at ang nalalabing mga Judio ay nagsitakas tungo sa Ehipto. (Jeremias, kabanata 40-43) Ipinahihiwatig ng maaasahang kronolohiya ng Bibliya na ito ay naganap 70 taon bago ang 537 B.C.E., ang taon ng pagbabalik ng mga Judio mula sa pagkabihag, alalaong baga’y, naganap ng maaga pa noong Oktubre 607 B.C.E. (Jer. 29:10; Dan. 9:2; ukol sa karagdagang detalye, tingnan ang aklat na “Let Your Kingdom Come,” mga pahina 186-189.)
Papaano, kung gayon, tatantiyahin ang panahon hanggang 1914? Kung bibilang ng 2,520 taon mula sa pasimula ng Oktubre 607 B.C.E., hahantong tayo sa pasimula ng Oktubre 1914 C.E., gaya ng ipinakikita sa tsart.
PAGTANTIYA SA “PITONG PANAHON”
“Pitong taon” = 7 X 360 = 2,520 taon
Ang “panahon” sa Bibliya, o taon = 12 X 30 araw = 360. (Apoc. 11:2, 3; 12:6, 14)
Sa katuparan ng “pitong panahon” bawa’t araw ay katumbas ng isang taon. (Ezek. 4:6; Bil. 14:34)
Pasimula ng Oktubre, 607 B.C.E., hanggang Disyembre 31, 607 B.C.E. = 1/4 taon
Enero 1, 606 B.C.E., hanggang Disyembre 31, 1 B.C.E. = 606 taon
Enero 1, 1 C.E., hanggang Disyembre 31, 1913 = 1,913 taon
Enero 1, 1914, hanggang sa pasimula ng Oktubre, 1914 = 3/4 taon
Kabuuan: 2,520 taon
Ano ang nangyari nang panahong iyon? Ipinagkatiwala ni Jehova ang pamamahala ng buong sangkatauhan sa kaniyang sariling Anak, si Jesu-Kristo, na niluwalhati sa mga langit.—Dan. 7:13, 14.
Kung gayo’y bakit laganap pa rin ang kasamaan sa lupa? Pagkaraang lumuklok si Kristo, si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ay inihagis mula sa langit pababa dito sa lupa. (Apoc. 12:12) Bilang Hari hindi agad pinuksa ni Kristo ang lahat ng tumatangging kumilala sa soberanya ni Jehova at sa kaniya bilang Mesiyas. Sa halip, gaya ng inihula niya, isang pandaigdig na gawaing pangangaral ay dapat munang isagawa. (Mat. 24:14) Bilang Hari pangangasiwaan niya ang pagbubukud-bukod ng mga tao sa lahat ng bansa, na yaong mga napapatunayang tapat ay pagkakalooban ng pag-asa ng buhay na walang hanggan, at yaon namang mga balakyot ay itatalaga sa walang-hanggang pagkalipol sa kamatayan. (Mat. 25:31-46) Samantala ay iiral ang mahihirap na kalagayang inihula para sa “mga huling araw”. Gaya ng ipinakikita sa paksang “Mga Huling Araw,” ang mga pangyayaring ito ay maliwanag na nasasaksihan mula pa noong 1914. Bago pumanaw ang kahulihulihang miyembro ng lahing nabubuhay noong 1914, lahat ng bagay na inihula ay dapat maganap, pati na ang “malaking kapighatian” na kung saan magwawakas ang kasalukuyang balakyot na sistema.—Mat. 24:21, 22, 34.
Kailan sasapit ang wakas ng masamang sanlibutang ito?
Sumagot si Jesus: “Tungkol sa araw at oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” Gayumpaman, sinabi din naman niya: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi lilipas ang lahing ito [yaong nabubuhay nang “ang tanda” ng “mga huling araw” ay nagsimulang matupad] hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.”—Mat. 24:36, 34.
At, pagkaraang banggitin ang mga pangyayari na kasunod ng pagkatatag ng Kaharian sa mga kamay ni Jesu-Kristo noong 1914, ganito pa ang dagdag ng Apocalipsis 12:12: “Mangagalak kayo, o mga langit at kayong nagsisitahan diyan! Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagka’t ang Diyablo’y bumaba sa inyo na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”
-
-
PilosopiyaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pilosopiya
Kahulugan: Ang salitang pilosopiya ay kuha sa mga ugat na salitang Griyego na nangangahulugang “pag-ibig sa karunungan.” Ayon sa paggamit dito, ang pilosopiya ay hindi nakasalig sa paniniwala sa Diyos, kundi sinisikap nito na ibigay sa mga tao ang isang nagkakaisang pangmalas sa sansinukob at gawin silang palaisip at mapanuri. Ang pangunahing ginagamit nito sa paghanap ng katotohanan ay ang kuru-kuro at hindi obserbasyon.
Papaano matatamo ng sinoman sa atin ang tunay na kaalaman at karunungan?
Kaw. 1:7; Awit 111:10: “Ang takot kay Jehova ay pasimula ng kaalaman . . . [at] ng karunungan.” (Kung ang sansinukob ay hindi galing sa isang matalinong Maylikha kundi sa isang bulag, walang isip na puwersa, kung gayon ay imposibleng magkaroon ng isang nagkakaisang pangmalas sa sansinukob, hindi ba? Hindi maaaring magbunga ng anomang tunay na karunungan ang pag-aaral ng
-