Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Satanas na Diyablo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Apocalipsis 20:3 (KJ) na si Satanas ay “ibinulid . . . sa hukay na walang-hanggan,” tiyak na hindi siya basta iniwan doon sa kinaroroonan na niya​—sa kapaligiran ng lupa bilang di-nakikitang bilanggo. Siya’y ilalayo dito, “upang huwag nang mandaya pa sa mga bansa hanggang sa maganap ang isang libong taon.” Pansinin na ang Apocalipsis 20:3 ay nagsasabi na, sa katapusan ng isang libong taon, ang palalayain sa kalaliman ay, hindi ang mga bansa, kundi si Satanas. Kapag napalaya si Satanas, may dadatnan siyang mga tao na dati ay kabilang sa mga bansang yaon.

      Ang Isaias 24:1-6 at Jeremias 4:23-29 (KJ) ay ginagamit kung minsan upang suhayan ang paniniwalang ito. Sinasabi ng mga ito: “Narito, pinawawalan ng laman ng PANGINOON ang lupa, at sinisira . . . Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman: sapagka’t sinalita ng PANGINOON ang salitang ito.” “Aking minasdan ang lupa, at, narito, sira at walang laman . . . Ako’y nagmasid, at, narito, walang tao . . . Sapagka’t ganito ang sabi ng PANGINOON, Ang buong lupain ay magiging sira . . . Bawa’t bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.” Ano ang kahulugan ng mga hulang ito? Ang mga ito’y unang natupad sa Jerusalem at sa lupain ng Juda. Bilang banal na kahatulan, pinahintulutan ni Jehova na lupigin ng mga taga-Babilonya ang lupain. Nang maglaon ito’y naiwang tiwangwang na parang ilang. (Tingnan ang Jeremias 36:29.) Nguni’t hindi pinalis ng Diyos ang mga tao sa buong globo, ni gagawin man niya ito sa ngayon. (Tingnan ang mga pahina 227-230, sa ilalim ng “Lupa,” gayundin ang paksang “Langit.”) Gayumpaman, lubusan niyang wawasakin ang modernong katumbas ng di-tapat na Jerusalem, ang Sangkakristiyanuhan, na lumalapastangan sa pangalan ng Diyos dahil sa masamang gawain nito, pati ng lahat ng ibang bahagi ng nakikitang organisasyon ni Satanas.

      Sa halip na maging ilang, sa panahon ng Sanlibong Taong Paghahari ni Kristo, habang si Satanas ay nasa kalaliman, ang buong lupa ay magiging isang paraiso. (Tingnan ang “Paraiso.”)

  • Sekso
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Sekso

      Kahulugan: Ang paraan ng makalupang mga nilalang ng pagpapakarami sa pamamagitan ng pagsisiping ng dalawang magulang. Ang kaibahan ng lalake at babae ay nakakaapekto nang malaki sa buhay ng tao. Yamang ang Diyos ang siyang Bukal ng buhay at yamang nararapat na ipamalas ng mga tao ang kaniyang mga katangian, ang kakayahang maglipat ng buhay sa pamamagitan ng pagsisiping ay dapat na lubusang igalang.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share