Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-aasawa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Nang ibigay ng Diyos sa Israel ang Kautusan, hindi niya ipinasiyang ipatupad noong panahong iyon ang orihinal na pamantayan, ngunit nagbigay siya ng mga tagubilin hinggil sa pagdidiborsiyo upang hindi ito makasira sa kaayusan ng pamilya sa Israel o magdulot ng labis na kahirapan. Gayunman, pagsapit ng takdang panahon ng Diyos, isinauli niya ang kaniyang orihinal na pamantayan. Sinabi ni Jesus kung ano ang simulaing susundin sa kongregasyong Kristiyano​—na “pakikiapid” (sa Gr., por·neiʹa) ang tanging makatuwirang saligan para sa diborsiyo. Ipinaliwanag niya na hindi ipinatupad ng Diyos ang pamantayang ito sa pamamagitan ni Moises dahil sa katigasan ng puso ng mga Israelita.​—Mat 19:3-9; Mar 10:1-11.

  • Pag-aasawa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa ilalim ng Kautusan, maaaring diborsiyuhin ng asawang lalaki ang kaniyang asawa kung makasumpong siya rito ng isang bagay na ‘marumi.’ Sabihin pa, hindi kabilang dito ang pangangalunya, sapagkat hinahatulan ito ng parusang kamatayan. Maaaring ito ay mga paglabag gaya ng matinding kawalang-galang sa asawang lalaki o sa sambahayan ng ama nito, o isang bagay na nagdudulot ng kadustaan sa sambahayan nito. Kailangang bigyan siya ng asawang lalaki ng isang nasusulat na kasulatan ng diborsiyo, na nagpapahiwatig na sa paningin ng komunidad ay dapat na may sapat na saligan ang lalaki upang diborsiyuhin siya. Yamang ang kasulatan ay isang legal na dokumento, ipinahihiwatig nito na sinangguni ng lalaki ang matatandang lalaki o yaong mga may awtoridad sa kaniyang lunsod. Pagkatapos nito, ang babae ay maaaring mag-asawang muli, anupat ipagsasanggalang siya ng kasulatan mula sa anumang paratang ng pangangalunya sa hinaharap. Hindi pahihintulutang makipagdiborsiyo ang isang lalaki kung dinaya niya ang babae upang masipingan niya ito bago sila ikasal o kung pagkatapos ng kasal ay may-kabulaanan niyang pinaratangan ang babae na nilinlang siya nito sa pag-aangking ito’y birhen noong panahong ikasal sila.​—Deu 22:13-19, 28, 29.

      Pagkatapos ng isang diborsiyo, kung ang babae ay mag-asawa sa ibang lalaki at sa kalaunan ay diborsiyuhin siya ng lalaking ito o kaya ay mamatay ito, hindi na siya maaaring pakasalang muli ng kaniyang orihinal na asawa. Sa gayon ay naiwasan ang anumang pagpapakana upang magtamo ng diborsiyo mula sa ikalawang asawang lalaki o marahil upang mamatay pa nga ito para muling makasal ang orihinal na mag-asawa.​—Deu 24:1-4.

      Kinapopootan ni Jehova ang di-makatarungang diborsiyo, lalo na kung ang kaniyang tapat na mananamba ay may-kataksilang pinakitunguhan upang ang isa ay makapag-asawa ng isang babaing pagano na hindi kabilang sa kaniyang piling katipang bayan.​—Mal 2:14-16; tingnan ang DIBORSIYO.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share