Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lunsod
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Dahil din sa panganib na maging mga alipin ng paladigmang mga indibiduwal na determinadong manakop, napilitan ang matatakuting mga tao na magsama-sama upang bumuo ng mga lunsod. Sa lahat ng kaso, binabakuran nila at kinukulong ng mga pader ang mga lunsod na ito, at isinasara nila ang mga pintuang-daan sa gabi at sa mga panahon ng panganib.​—Jos 2:5; 2Cr 26:6.

  • Lunsod
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Yamang karaniwan nang ang pagdedepensa rito ang pinakamahalaga, kadalasa’y sa matataas na lugar itinatayo ang sinaunang mga lunsod. Bagaman nakahantad sila dahil dito, mahirap namang marating ang mga ito. (Mat 5:14) Iba naman ang kaso ng mga baybaying lunsod at niyaong mga nasa pampang ng ilog. Bilang karagdagan sa likas na mga harang, kadalasang nagtatayo noon sa palibot ng lunsod ng pagkalaki-laking mga pader o ng isang kayariang binubuo ng mga pader at mga tore; sa ilang kalagayan ay humuhukay pa nga ng mga bambang sa palibot nito. (2Ha 9:17; Ne 3:1–4:23; 6:1-15; Dan 9:25) Habang lumalaki ang mga lunsod, kung minsan ay kinakailangang iusod ang mga pader upang magkaroon ng mas malawak na lugar. Ang mga pasukan sa mga pader ay nilalagyan ng matitibay na pintuang-daan na makatatagal sa patuluyang pagkubkob. (Tingnan ang KUTA; PADER, DINGDING; PINTUANG-DAAN.) Nasa labas ng mga pader ang mga bukid, mga pastulan, at mga karatig-pook na kadalasa’y hindi naipagtatanggol sa panahon ng pagsalakay.​—Bil 35:1-8; Jos 21:41, 42.

      Napakahalaga ang isang suplay ng tubig na sagana at malapit at hindi ito dapat kaligtaan kapag pumipili ng pagtatayuan ng isang lunsod. Sa dahilang ito, itinuturing na angkop na angkop kung may mga bukal o mga balon sa loob ng mga hangganan ng mga lunsod. Sa ilang kaso, partikular na ang Megido, Gibeon, at Jerusalem, ang mga lunsod ay may mga paagusan ng tubig sa ilalim ng lupa at mga padaluyan na nagdadala ng tubig sa loob ng mga pader mula sa mga bukal sa labas. (2Sa 5:8; 2Ha 20:20; 2Cr 32:30) Kadalasang gumagawa noon ng mga reservoir at mga imbakang-tubig bilang panahod at tipunan ng tubig sa panahon ng tag-ulan upang magamit iyon sa ibang pagkakataon. Kung minsan, mistulang bahay-pukyutan ang mga imbakang-tubig sa lupain dahil sa dami, palibhasa’y nagsisikap ang bawat sambahayan na magkaroon ng sarili nilang suplay ng tubig.​—2Cr 26:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share