-
Ehipto, EhipsiyoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Halimbawa, ang diyos na si Ra ay kilalá sa 75 iba’t ibang pangalan at anyo.
-
-
Ehipto, EhipsiyoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Nariyan din ang mga diyos sa kalawakan na pinangungunahan ni Ra, ang diyos-araw, kasama ang mga diyos ng buwan, kalangitan, hangin, lupa, ilog ng Nilo, at iba pa. Sa Thebes (No sa Bibliya), ang diyos na si Amon ay naging napakaprominente at nang maglaon ay binigyan ng titulong “hari ng mga diyos” at tinawag na Amon-Ra. (Jer 46:25) Sa mga panahon ng kapistahan (Jer 46:17), ang mga diyos ay ipinaparada sa mga lansangan ng lunsod. Halimbawa, kapag ang imahen ni Ra ay binubuhat ng kaniyang mga saserdote sa prusisyon, tinitiyak ng mga tao na naroon sila, anupat umaasang makikinabang sila dahil dito. Palibhasa’y itinuturing na ang basta pagpunta nila roon ay pagtupad na sa kanilang relihiyosong pananagutan, iniisip ng mga Ehipsiyo na pananagutan naman ni Ra na patuloy silang pasaganain. Umaasa lamang sila sa kaniya para sa materyal na mga pagpapala at kasaganaan at hindi sila kailanman humihingi ng anumang bagay na espirituwal.
-