-
No, No-amonKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sa sinaunang mga tekstong Ehipsiyo, ang lunsod ay tinatawag na “ang Lunsod ni Amon.” Ito ay sapagkat naging pangunahing sentro ito ng pagsamba sa diyos na si Amon, na umangat mula sa pagiging maliit na bathala tungo sa posisyon ng punong diyos ng bansa, na itinumbas ng mga Griego kay Zeus (Jupiter). (Tingnan ang AMON Blg. 4.) Dito ay nagtayo ang mga paraon ng pagkalaki-laking mga monumento at mga templo, na sumasaklaw ng malawak na lugar sa S pampang ng Nilo (sa Karnak at Luxor), kabilang ang iba pang mariringal na templo at napakalaking libingan sa K pampang. Ang templo ni Amon sa Karnak ang itinuturing na pinakamalaking kayariang haligi na itinayo kailanman, ang ilan sa dambuhalang mga haligi nito ay mga 3.5 m (12 piye) ang diyametro.
-
-
No, No-amonKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sentro ng pagkasaserdote. Maging noong ilipat ang kontrol ng pangangasiwa sa ibang mga dako, ang No-amon (Thebes) ay patuloy na naging isang mayaman at prominenteng lunsod, ang sentro ng makapangyarihang pagkasaserdote ng Amon, na ang punong saserdote ay may ranggo na ikalawa sa Paraon mismo sa kapangyarihan at yaman. Ngunit noong ikapitong siglo B.C.E., ang pagsalakay ng Asirya ay nakarating sa Ehipto noong panahon ng pamamahala ng Asiryanong si Haring Esar-hadon. Ang kaniyang anak at kahalili na si Ashurbanipal ay muling lumusob, anupat nakaabot sa Thebes at lubusang sinamsaman ang lunsod. Maliwanag na ang pagkawasak na ito ang tinutukoy ng propetang si Nahum nang babalaan ang Nineve, ang kabisera ng Asirya, tungkol sa isang pagkawasak na gayundin katindi. (Na 3:7-10) Ang mga pandepensa ng No-amon, na nasa kahabaan ng daan mula sa Palestina at hanggang sa Nilo, ay nabigo, at ang mga kayamanan mula sa kaniyang mga kalakalan at mga relihiyosong templo ang naging gantimpala ng mananamsam na mga Asiryano.
Winasak. Gayunman, noong pagtatapos ng ikapitong siglo o noong maagang bahagi ng ikaanim na siglo, muling natamo ng No-amon ang isang waring prominenteng posisyon. Inihula ni Jeremias at ni Ezekiel ang kahatulan ng Diyos na Jehova sa punong diyos ng Ehipto, si Amon ng No, at kay Paraon at sa lahat ng Ehipsiyong diyos, na ang kahatulang ito ay sasapit sa pamamagitan ng Babilonyong si Haring Nabucodonosor. (Jer 46:25, 26; Eze 30:10, 14, 15)
-