Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sina Moises at Aaron ay naging mga pangunahing tauhan noon sa isang ‘labanan ng mga diyos.’ Sa pamamagitan ng mga mahikong saserdote, lumilitaw na pinangungunahan nina Janes at Jambres (2Ti 3:8), nanawagan si Paraon sa kapangyarihan ng lahat ng diyos ng Ehipto laban sa kapangyarihan ni Jehova. Pinatunayan ng unang himalang isinagawa ni Aaron sa harap ni Paraon ayon sa utos ni Moises na mas makapangyarihan si Jehova kaysa sa mga diyos ng Ehipto, bagaman lalo pang nagmatigas si Paraon. (Exo 7:8-13) Nang maganap ang ikatlong salot, maging ang mga saserdote ay napilitang umamin, “Ito ay daliri ng Diyos!” At napakatindi ng salot ng mga bukol na pinasapit sa kanila anupat hindi man lamang sila nakaparoon sa harap ni Paraon upang salansangin si Moises noong panahon ng salot na iyon.​—Exo 8:16-19; 9:10-12.

      Ang mga salot ay nagpalambot at nagpatigas ng puso. Sina Moises at Aaron ang nagpatalastas ng pagsapit ng bawat isa sa Sampung Salot. Dumating ang mga salot gaya ng ipinatalastas, na nagpapatunay na inatasan si Moises bilang kinatawan ni Jehova. Ang pangalan ni Jehova ay nahayag at naging usap-usapan sa Ehipto, anupat kapuwa nagpalambot at nagpatigas ng puso may kaugnayan sa pangalang iyon​—nagpalambot ng puso ng mga Israelita at ng ilan sa mga Ehipsiyo; nagpatigas ng puso ni Paraon at ng kaniyang mga tagapayo at mga tagasuporta. (Exo 9:16; 11:10; 12:29-39) Sa halip na maniwalang napagalit nila ang kanilang mga diyos, nalaman ng mga Ehipsiyo na si Jehova ang humahatol sa kanilang mga diyos. Pagkatapos na mailapat ang siyam na salot, si Moises ay naging “lubhang dakila rin sa lupain ng Ehipto, sa paningin ng mga lingkod ni Paraon at sa paningin ng bayan.”​—Exo 11:3.

  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Naroon din ang mga lider ng relihiyon, ang mga mahikong saserdote, na nangunguna sa pagsalansang kay Moises. Bukod kay Paraon, ang mga lalaking ito ang pinakamakapangyarihang mga tao sa kaharian. Ang kahanga-hangang hanay na ito ay handang sumuporta kay Paraon at sa mga diyos ng Ehipto. At maraming beses na humarap sina Moises at Aaron kay Paraon, anupat sa bawat pagkakataon ay lalo pang tumitigas ang puso ni Paraon, sapagkat determinado siyang panatilihin sa kaniyang kontrol ang pinakikinabangan niyang mga aliping Hebreo. Sa katunayan, matapos ipatalastas ang ikawalong salot, ipinagtabuyan sina Moises at Aaron mula sa harap ni Paraon, at pagkatapos ng ikasiyam na salot ay binantaan silang huwag nang tangkaing makita pang muli ang mukha ni Paraon kung ayaw nilang mamatay.​—Exo 10:11, 28.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share