-
LaryoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Kapag ginagawa ang laryo, pagkatapos alisin mula sa putik o luwad ang anumang napahalong substansiya, karaniwang nilalagyan iyon ng dayami na tinadtad nang pino o ng iba pang materya ng halaman. Pinatutunayan ito ng pananalita sa Anastasi Papyri, mula sa sinaunang Ehipto, na kababasahan: “Walang sinumang makapaghulma ng mga laryo, at walang dayami sa paligid.” (Life in Ancient Egypt, ni A. Erman, 1894, p. 117) Bagaman nakasumpong ng mga laryong walang dayami sa Ehipto, maliwanag na isa itong eksepsiyon at hindi ito naglalaan ng makatuwirang saligan para isiping gumawa na lamang ang mga Israelita ng mga laryong walang dayami nang sila na mismo ang sapilitang pinakuha ng mga iyon. Ipinakikita ng mga eksperimentong isinagawa nitong nakaraang mga taon na kapag nilalagyan ng dayami ang luwad, nagiging mas madali itong hubugin at ang mga laryong ginawa mula sa mga ito ay tatlong ulit na mas matibay.
-
-
LaryoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Iba’t iba ang laki at hugis ng mga laryo. Sa Ehipto, pangkaraniwan noon ang mga laryong parihaba, at hugis-kalsong mga laryo naman ang ginamit sa paggawa ng mga arko. Humigit-kumulang, ang mga laryong Ehipsiyo ay may haba na 36 hanggang 51 sentimetro (14 hanggang 20 pulgada), may lapad na 15 hanggang 23 sentimetro (6 hanggang 9 na pulgada), at kapal na 10 hanggang 18 sentimetro (4 hanggang 7 pulgada).
-