Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Ang mga Diyos ng mga Bansa”
  • Ang mga Diyos ng mga Bansa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang mga Diyos ng mga Bansa
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Diyos at Diyosa, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Bahagi 3—1942-1513 B.C.E.—Ehipto—Larangang Digmaan ng mga Diyos
    Gumising!—1989
  • Mula sa Inang Lupa Hanggang sa mga Diyosa sa Pag-aanak
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Sino Si Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Ang mga Diyos ng mga Bansa”

FEATURE

Ang mga Diyos ng mga Bansa

IPINAGBAWAL ng kautusang ibinigay ni Jehova sa Israel ang paggawa ng mga imahen para sa pagsamba. Ang tunay na Diyos ay Espiritu, at maling-mali na igawa siya ng anumang imahen na kakatawan sa kaniya. Sa kabaligtaran, maraming nahukay na imahen ng mga diyos ng sinaunang mga bansa. Ang mga ito ay “gawa [lamang] ng mga kamay ng tao, kahoy at bato.” (Deu 4:28) Gaya ng sinasabi ng Bibliya, ang mga ito ay “walang-silbing mga diyos,” anupat walang mga mata upang makita yaong mga sumasamba sa kanila ni may mga tainga man upang marinig sila. (1Cr 16:26; Aw 115:4-8) Sa ngayon ang mga ito ay mga relikya na lamang sa museo. Gayunpaman, maraming isinisiwalat ang mga ito tungkol sa pinagmulan ng mga relihiyosong paniniwalang laganap sa ngayon.

[Larawan sa pahina 529]

Ang tatluhang mga diyos ay nagsimula sa Babilonya. Makikita sa tapyas na batong ito ang isang dambana ng diyos-araw ng Babilonya na si Shamash, at ang mga sagisag ng isa sa tatluhang mga diyos: ang buwan (para sa diyos na si Sin), ang araw (para kay Shamash), at isang bituin (para kay Ishtar)

[Larawan sa pahina 529]

Sa sinaunang pantatak na ito, si Asur, ang pangunahing diyos ng mga Asiryano, ay ipinakikitang may tatlong ulo (sa itaas ng mga pakpak)

[Larawan sa pahina 529]

Sinamba ng mga Ehipsiyo ang tatluhang mga diyos na gaya ng mga ito. Sa itaas: Horus, Osiris, at Isis. Sa kanan: Isis, Horus, Nephthys

[Larawan sa pahina 529]

Katulad ng “Madonna and child” ng Sangkakristiyanuhan, sinamba rin noon ang imahen ng Ehipsiyong mag-ina (si Isis at ang sanggol na si Horus)

[Mga Larawan sa pahina 530]

Bago pa man ang Kristiyanismo, itinuring nang sagrado ang crux ansata, na krus ng mga Ehipsiyo

[Mga larawan sa pahina 530]

Ang mga serpiyente ay sinasamba noon. Makikita sa isang Ehipsiyong gawang-sining (sa dulong kaliwa) ang dalawang ahas na magkaekis at hawak ng diyos na nasa kaliwa, ang isang malaking ahas sa gitna ng larawan, at sa gawing kanan, ang isang diyosang may ulo ng ahas

[Mga larawan sa pahina 530]

May serpiyente rin ang estatuwa ng Griegong si Asclepius. Kapansin-pansin na sa Bibliya, isang serpiyente ang ginamit ni Satanas bilang tagapagsalita niya (Gen 3:1-15; Apo 12:9)

[Mga larawan sa pahina 530]

Inilantad ng sampung salot sa Ehipto na inutil ang mga idolong diyos nito. Ang unang salot​—nang gawing dugo ang Nilo​—ay naging kadustaan kay Hapi (kaliwa, ang diyos ng Nilo). Sagrado ang palaka para sa diyosang si Heqt, ngunit wala siyang naitulong sa mga Ehipsiyo nang mapuno ng mga palaka ang lupain dahil sa ikalawang salot. Pinakamatinding dagok ang pagkamatay ng mga panganay noong ikasampung salot, yamang ang anak ni Paraon ay itinuturing na anak ni Amon-Ra, na kinakatawanan ng isang barakong tupa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share