Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-akyat sa Langit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kaya naman sinabi ni Pablo na “mayroon tayong katapangan para sa daang papasók sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, na kaniyang pinasinayaan para sa atin bilang isang bago at buháy na daan sa pamamagitan ng kurtina, samakatuwid nga, ang kaniyang laman.”​—Heb 9:3, 24; 10:10, 19, 20; ihambing ang Ju 6:51; Heb 6:19, 20.

      Ang pag-akyat ni Jesus sa langit upang iharap kay Jehova ang pantubos na halaga ng kaniyang dugo ay nagpasinaya ng “isang bago at buháy na daan” upang makalapit sa Diyos sa panalangin. Binuksan din nito ang daan patungo sa makalangit na buhay, kasuwato ng mismong pananalita ni Jesus na sa diwa, bago nito, “walang taong umakyat sa langit maliban sa kaniya na bumaba mula sa langit, ang Anak ng tao.” (Ju 3:13) Kaya hindi si Enoc ni si Elias ang nagpasinaya ng daang ito, kung paanong hindi rin naman si David. (Gen 5:24; 2Ha 2:11; Gaw 2:34) Gaya ng sinabi ni Pablo: “Nililinaw ng banal na espiritu na ang daang papasók sa dakong banal ay hindi pa naihahayag habang nakatayo pa ang unang tolda.”​—Heb 9:8; tingnan ang ELIAS Blg. 1; ENOC Blg. 2.

  • Pag-akyat sa Langit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kinailangan din ito dahil si Jesus ay inatasan at niluwalhati bilang ang “dakilang mataas na saserdote na pumasok sa langit.” (Heb 4:14; 5:1-6) Ipinaliwanag ni Pablo na “kung siya nga ay nasa lupa, hindi siya magiging saserdote,” ngunit dahil siya ay “umupo sa kanan ng trono ng Karingalan sa langit,” “nagtamo si Jesus ng isang higit na magaling na pangmadlang paglilingkod, anupat siya rin ang tagapamagitan ng isa rin namang mas mabuting tipan.” (Heb 8:1-6) Dahil dito, ang mga Kristiyano na nagmana ng kasalanan ay naaaliw sa pagkaalam na sila’y “may katulong sa Ama, si Jesu-Kristo, isa na matuwid.”​—1Ju 2:1; Ro 8:34; Heb 7:25.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share