Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Asong Matulin”
  • Asong Matulin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Asong Matulin
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Balakang, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Tandang
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Trinidad
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Bibliya—Bakit Napakarami?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Asong Matulin”

ASONG MATULIN

[sa Heb., zar·zirʹ moth·naʹyim; sa Ingles, greyhound].

Isang aso na napakatulin at matalas ang paningin, patulis ang nguso, balingkinitan at makinis ang katawan, mahahaba at malalakas ang mga binti. Gayunman, hindi matiyak kung ano ang tinutukoy ng pananalitang Hebreo na literal na nangangahulugang “ang [hayop na] nabibigkisan sa baywang (balakang).” Maraming salin ng Bibliya ang gumamit ng “asong matulin” sa mismong teksto ng Kawikaan 30:31, ngunit sa mga talababa ay itinala nila ang “pandigmang kabayo” at “tandang” bilang iba pang salin. (AS, Rbi8, Ro) Ang saling “tandang” (AT, Dy, JB, Kx, Mo, RS) ay sinusuportahan ng Griegong Septuagint at ng Latin na Vulgate. Gayunman, ang “asong matulin” ay isang angkop na salin sapagkat tumutugma ito sa deskripsiyon ng isang hayop na mahusay sa “paglakad.” (Kaw 30:29) Ang asong matulin ay naorasan sa bilis na mga 64 na km/oras (40 mi/oras). Gayundin, ang balingkinitang balakang ng asong matulin, anupat para itong “nabibigkisan sa baywang,” ay tutugma sa ipinapalagay na literal na kahulugan ng katawagang Hebreo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share