Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gihon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Gayunman, posibleng tumutukoy sa ibang panahon, ipinakikita ng ulat sa 2 Cronica 32:30 na sinarhan niya ang agos ng Gihon sa dati nitong lagusan at inilihis niya ang tubig nito sa kanluraning panig ng “Lunsod ni David,” na nasa pinakaloob ng mga kuta ng Jerusalem. Ang katibayan kung paano ito isinagawa ay natuklasan noong 1880 C.E. nang matagpuan ang isang inskripsiyon na nakaukit sa pinakadingding ng isang paagusan ng tubig na ang dulo ay ang kilalá ngayon bilang Tipunang-tubig ng Siloam sa K panig ng matandang “Lunsod ni David.” Inilarawan ng inskripsiyon, na nakaulat sa isang sinaunang sulat Hebreo at itinuturing na mula pa noong ikawalong siglo B.C.E., kung paano hinukay sa solidong bato ang paagusang ito. Isinagawa iyon ng dalawang grupo ng mga lalaki na nagtrabaho nang pasalubong sa isa’t isa mula sa magkabilang dulo. Noong 1910, nang lubusan nang mahawan ang paagusan, natuklasan na ito’y may sukat na mga 533 m (1,749 na piye), may katamtamang taas na 1.8 m (6 na piye) at kung minsa’y papakitid nang hanggang 0.5 m (20 pulgada) lamang. Lumilitaw na ang kahanga-hangang gawang ito ng inhinyeriya ay resulta ng mga pagkilos ni Hezekias upang maprotektahan at mapanatili ang suplay ng tubig ng Jerusalem na nagmumula sa Gihon.

  • Gihon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sa ngayon, ang tubig ng Gihon ay patuloy na umaagos sa “Paagusan ng Siloam,” na kinikilalang ipinagawa ni Hezekias.

  • Gihon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share