Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Macpela”
  • Macpela

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Macpela
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Mamre
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Epron, II
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hebron
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Paglalakbay ni Abraham
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Macpela”

MACPELA

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “doble,” posibleng ipinahihiwatig nito na ang yungib ay may dobleng pasukan o dalawang pinakalooban].

Pangalan ng isang parang at isang yungib malapit sa Hebron. Binili iyon ni Abraham kay Epron na Hiteo sa halagang 400 siklong pilak (mga $880). Ang yungib ay ang dakong libingan ng asawa ni Abraham na si Sara at ng limang iba pa: sina Abraham, Isaac, Rebeka, Jacob, at Lea. (Gen 23:14-19; 25:9; 49:30, 31; 50:13) Lumilitaw na ito rin ang tawag sa mga lugar sa palibot nito.—Gen 23:17.

Ang yungib ay karaniwang iniuugnay sa Meʽarat HaMakhpela, na nasa makabagong Hebron, sa ilalim ng isang moskeng Muslim na nasa loob ng isang bakuran na tinatawag na Haram el-Khalil.

Sa Genesis 23:17 ang terminong Hebreo na tumutukoy sa lokasyon ng yungib ng Macpela may kaugnayan sa Mamre ay isinalin sa iba’t ibang paraan bilang “silangan ng” (RS), “sa harap” (AS), “malapit” (BE), “katapat” (JB), at “nasa tapat ng Mamre” (NW). Kung tama ang kinikilalang lokasyon ng Mamre (er-Ramat el-Khalil), ang salin na “silangan ng Mamre” ay hindi magiging angkop, yamang ang lugar na ito ay mga 3 km (2 mi) sa H ng makabagong Hebron. Ang pariralang “Mamre, na siyang Hebron” (Gen 23:19), ay maaaring nangangahulugan na ang Mamre ay nasa distrito ng Hebron.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share