Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mapanibughuin, Paninibugho
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Paninibugho at Inggit. Ang isang taong may di-wastong paninibugho ay naghihinala sa iba nang walang sapat na dahilan o naghihinanakit kapag ibinigay sa iba yaong iniisip niyang dapat na sa kaniya ibinigay. Ang isang taong mainggitin naman, dahil sa pagiging di-kontento, ay nagnanasa o nag-iimbot sa mabuting kalagayan at mga tagumpay ng iba. Kadalasan, mula sa konteksto ay matitiyak kung sa anong diwa ginagamit sa Bibliya ang mga salitang Hebreo na karaniwang isinasalin bilang “mapanibughuin” o “paninibugho” at kung minsan ay “inggit.” Totoo rin ito kung tungkol sa salitang Griego para sa “paninibugho,” bagaman ang wikang Griego ay mayroon ding hiwalay na salita, phthoʹnos, para sa “inggit.”

  • Mapanibughuin, Paninibugho
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang uri ng paninibugho na tinuligsa ni Pablo sa kongregasyon ng Corinto ay hindi matuwid. Hindi ito ukol sa kapakanan ng bukod-tanging debosyon kay Jehova. Sa halip, ito ay isang anyo ng idolatriya at nagmumula sa mga demonyo, at sanhi ito ng inggit at hidwaan.

  • Mapanibughuin, Paninibugho
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kung ang lingkod ng Diyos ay mapanibughuin sa mga tagumpay, mga pag-aari, o mga nagagawa ng iba, maaaring tubuan siya ng inggit at kaimbutan, anupat baka mainggit pa nga siya sa mga taong masasama ngunit nananagana. Nagbababala ang Kasulatan laban dito; bagaman sa wari’y matagal silang nananagana, tatanggap sila ng mabilis na paghatol sa takdang panahon ng Diyos, gaya ng nasusulat: “Huwag kang mag-init dahil sa mga manggagawa ng kasamaan. Huwag kang mainggit sa mga gumagawa ng kalikuan. Sapagkat gaya ng damo ay mabilis silang malalanta.” (Aw 37:1, 2) Ang pagkainggit sa mga tulad nila ay maaaring umakay sa isang tao na tularan ang kanilang mararahas na lakad, na karima-rimarim kay Jehova.​—Kaw 3:31, 32; 23:17; 24:1, 19; ihambing ang Aw 73:2, 3, 17-19, 21-23.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share