-
Ungguento at mga PabangoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Si Jehova rin ang nagbigay ng pormula ng banal na insenso. Hindi lamang ito basta isang substansiya na nagbabaga at umuusok; isa itong espesyal na mabangong insenso. (Exo 30:7; 40:27; Lev 16:12; 2Cr 2:4; 13:10, 11) Sa paggawa nito, may espesipikong dami ng patak na estacte, onica, mabangong galbano, at dalisay na olibano na ginagamit, anupat higit pa itong inilarawan ng Diyos bilang “pinaghalu-halong mga espesya, na gawa ng isang manggagawa ng ungguento, inasnan, dalisay, banal.” Ang ilang bahagi ng insenso ay pinupulbos nang husto at malamang na sinasala upang maging isang pinung-pinong produkto na angkop sa espesyal na gamit nito. Isang krimen na pinapatawan ng kamatayan ang paggamit nito para sa pribadong layunin.—Exo 30:34-38.
Ang langis na pamahid at banal na insenso ay kapuwa ginagamitan ng mabangong langis ng balsamo. (Exo 25:6; 35:8, 28)
-
-
Ungguento at mga PabangoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Hindi kinailangang mag-eksperimento noon sa paggawa ng langis na pamahid at ng mabangong insenso, sapagkat sa pasimula pa lamang ay sinabi na ni Jehova: “Sa puso ng lahat ng may pusong marunong ay ilalagay ko ang karunungan, upang magawa nga nila . . . ang langis na pamahid at ang mabangong insenso para sa santuwaryo.” (Exo 31:6-11; 35:10-15; 37:29; 39:33, 38) Nang maglaon, ang ilan sa mga saserdote ay inatasang maging mga manggagawa ng ungguento para sa pagtitimpla ng mga materyales na iyon at mangasiwa rin sa suplay ng gayong mga bagay. (1Cr 9:30; Bil 4:16)
-