-
PangangayupapaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Salig sa nabanggit na mga halimbawa, maliwanag na ang terminong Hebreo ay hindi laging may diwang relihiyoso o nangangahulugan ng pagsamba. Gayunpaman, sa maraming kaso ay ginagamit ito may kaugnayan sa pagsamba, maaaring sa tunay na Diyos (Exo 24:1; Aw 95:6; Isa 27:13; 66:23) o sa huwad na mga diyos. (Deu 4:19; 8:19; 11:16) Maaaring yumuyukod ang mga tao sa Diyos kapag nananalangin (Exo 34:8; Job 1:20, 21) at kadalasa’y nagpapatirapa sila kapag nakatatanggap ng pagsisiwalat mula sa Diyos o ng isang kapahayagan o katibayan ng kaniyang pabor, sa gayo’y ipinakikita nila ang kanilang pasasalamat, pagpipitagan, at mapagpakumbabang pagpapasakop sa kaniyang kalooban.—Gen 24:23-26, 50-52; Exo 4:31; 12:27, 28; 2Cr 7:3; 20:14-19; ihambing ang 1Co 14:25; Apo 19:1-4.
Ang pagyukod sa mga tao bilang paggalang ay katanggap-tanggap naman, ngunit ang pagyukod sa ibang diyos maliban kay Jehova ay ipinagbawal Niya. (Exo 23:24; 34:14) Sa katulad na paraan, tahasang hinahatulan ang pagyukod sa relihiyosong mga imahen o sa anumang nilalang bilang pagsamba. (Exo 20:4, 5; Lev 26:1; Deu 4:15-19; Isa 2:8, 9, 20, 21) Kaya naman sa Hebreong Kasulatan, kapag nagpapatirapa ang ilang lingkod ni Jehova sa harap ng mga anghel, ginagawa lamang nila iyon upang ipakita na kinikilala nila ang mga ito bilang mga kinatawan ng Diyos, hindi upang mangayupapa sa kanila bilang mga bathala.—Jos 5:13-15; Gen 18:1-3.
-
-
PangangayupapaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Gaya ng terminong Hebreo, dapat isaalang-alang ang konteksto upang matiyak kung ang pro·sky·neʹo ay tumutukoy sa pangangayupapa na isa lamang anyo ng matinding paggalang o sa pangangayupapa na isang anyo ng relihiyosong pagsamba. Kapag ang tinutukoy ay pangangayupapa sa Diyos (Ju 4:20-24; 1Co 14:25; Apo 4:10) o sa huwad na mga diyos at sa kanilang mga idolo (Gaw 7:43; Apo 9:20), maliwanag na iyon ay hindi basta isang katanggap-tanggap o kinaugaliang pangangayupapa na ginagawa sa mga tao at sa gayo’y maituturing na isang pagsamba. Gayundin naman, kapag hindi binabanggit kung kanino iniuukol ang pangangayupapa, intindido nang sa Diyos ito iniuukol. (Ju 12:20; Gaw 8:27; 24:11; Heb 11:21; Apo 11:1)
-