Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Susi, I
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa mensahe ng anghel para sa kongregasyon sa Filadelfia, sinasabing taglay ng dinakilang si Jesu-Kristo ang “susi ni David,” at siya ang isa na “nagbubukas anupat walang sinumang makapagsasara, at nagsasara anupat walang sinumang makapagbubukas.” (Apo 3:7, 8) Bilang Tagapagmana ng tipan ukol sa Kaharian na ipinangako kay David, ipinagkatiwala kay Jesu-Kristo ang pamamahala sa sambahayan ng mga mananampalataya at ang pagkaulo sa espirituwal na Israel. (Luc 1:32, 33) Sa pamamagitan ng kaniyang awtoridad, na isinasagisag ng “susi ni David,” maaari siyang magbukas o magsara ng makasagisag na mga pinto, o mga oportunidad at mga pribilehiyo.​—Ihambing ang 1Co 16:9; 2Co 2:12, 13.

  • Susi, I
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kung susundin ang mga tuntunin ng balarila, ang Mateo 16:19 ay maaaring isalin nang ganito: “Anuman ang iyong igapos sa lupa ay yaong bagay na nakagapos [o, ang bagay na iginapos na] sa langit, at anuman ang iyong kalagan sa lupa ay yaong bagay na nakalagan [o, ang bagay na kinalagan na] sa langit.” Ang salin ni Charles B. Williams ay kababasahan ng ganito: “Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay dapat na yaong ipinagbawal na sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay dapat na yaong ipinahintulot na sa langit.” At ang literal na salin ng iskolar sa Griego na si Robert Young ay kababasahan: “Anuman ang iyong igapos sa lupa ay iginapos na sa langit, at anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kinalagan na sa langit.” Yamang nililinaw ng ibang mga teksto na ang binuhay-muling si Jesus pa rin ang iisa at tunay na Ulo ng kongregasyong Kristiyano, maliwanag na ang pangako niya kay Pedro ay hindi nangangahulugang si Pedro ang magdidikta sa langit kung ano ang dapat o hindi dapat kalagan kundi, sa halip, si Pedro ay instrumento lamang ng langit para sa pagbubukas, o pagkakalag, ng ilang itinakdang bagay.​—1Co 11:3; Efe 4:15, 16; 5:23; Col 2:8-10.

      Ang “susi ng kalaliman.” Sa Apocalipsis 9:1-11, inilahad ang pangitain hinggil sa “isang bituin” mula sa langit na pinagbigyan ng “susi ng hukay ng kalaliman.” Binuksan niya ang hukay na iyon at pinakawalan ang isang kulupon ng mga balang, na ang hari ay “ang anghel ng kalaliman.” Yamang ipinakikita sa Roma 10:6, 7 na saklaw ng kalaliman ang Hades (bagaman hindi lamang Hades ang saklaw nito), lumilitaw na kalakip sa “susi ng hukay ng kalaliman” ang “mga susi ng kamatayan at ng Hades” na taglay ng binuhay-muling si Jesu-Kristo, gaya ng sinasabi ng Apocalipsis 1:18. Walang alinlangan na ang “mga susi” na ito ay sumasagisag sa awtoridad ni Jesus na magpalaya ng mga indibiduwal mula sa pagkakabilanggo na doo’y Diyos lamang at ang kaniyang awtorisadong kinatawan ang may kapangyarihang makapagpalaya. Samakatuwid, kalakip sa “mga susi” ang awtoridad na bumuhay-muli ng mga indibiduwal sa literal na paraan, anupat pinalalaya sila mula sa pagkakapiit sa libingan, pati na ang awtoridad na magpalaya ng mga indibiduwal mula sa makasagisag na kamatayan. (Ju 5:24-29; ihambing ang Apo 11:3-12; tingnan ang KAMATAYAN [Pagbabago sa espirituwal na katayuan o kalagayan].)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share