-
TalaangkananKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pinasimulan ng apostol na si Mateo ang kaniyang ulat ng Ebanghelyo sa ganitong introduksiyon: “Ang aklat ng kasaysayan [ge·neʹse·os, isang anyo ng geʹne·sis] ni Jesu-Kristo, na anak ni David, na anak ni Abraham.” (Mat 1:1) Sa literal, ang salitang Griego na geʹne·sis ay nangangahulugang “linya ng angkan; pinagmulan.” Ang terminong Griegong ito ay ginagamit ng Septuagint upang isalin ang Hebreong toh·le·dhohthʹ, na may gayunding saligang kahulugan, at maliwanag na tumutukoy sa “kasaysayan” sa maraming paglitaw nito sa aklat ng Genesis.—Ihambing ang Gen 2:4, tlb sa Rbi8.
Sabihin pa, higit pa sa isang talaangkanan ni Kristo ang ibinibigay ni Mateo. Inilalahad din niya ang kasaysayan ng kapanganakan ni Jesus bilang tao, ang ministeryo nito, ang kamatayan nito, at ang pagkabuhay-muli nito. Ang kaugaliang ito ay pangkaraniwan lamang noon, sapagkat maging ang pinakamaaagang kasaysayan ng Gresya ay may balangkas ng talaangkanan. Noong sinaunang mga panahong iyon, ang isang kasaysayan ay umiinog sa mga tao na binabanggit o ipinakikilala sa talaangkanan nito. Sa gayon, ang talaangkanan ay naging mahalagang bahagi ng kasaysayan, anupat sa maraming kaso ay nagsilbing introduksiyon nito.—Tingnan ang 1Cr 1-9.
Noong panahon ng paghatol sa Eden, ipinangako ng Diyos ang pagdating ng Binhi ng “babae,” na dudurog sa ulo ng Serpiyente. (Gen 3:15) Maaaring dito nanggaling ang ideya na sa linya ng angkan ng mga tao magmumula ang Binhi, bagaman noon lamang panahong sabihin kay Abraham na ang kaniyang Binhi ang gagamitin upang pagpalain ang lahat ng bansa at saka espesipikong ipinahayag na ang magiging linya ng Binhi ay makalupa. (Gen 22:17, 18) Dahil dito, naging napakahalaga ng talaangkanan ng pamilya ng linya ni Abraham.
-
-
TalaangkananKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pagkaraan ng Baha, ipinakita ng pagpapala ni Noe na ang mga inapo ni Sem ay magkakamit ng lingap ng Diyos. (Gen 9:26, 27) Nang maglaon, isiniwalat ng Diyos kay Abraham na ang tatawaging kaniyang “binhi” ay magiging sa pamamagitan ni Isaac. (Gen 17:19; Ro 9:7) Kaya naman naging maliwanag na kailangan ang isang napakatumpak na rekord ng talaangkanan upang makilala ang Binhing ito. Sa gayon, sa paglipas ng panahon, ang linya ni Juda, ang tribo na pinangakuan ng pribilehiyong manguna (Gen 49:10), at partikular na ang pamilya ni David, ang makaharing linya, ay ubod-ingat na inirehistro. (2Sa 7:12-16) Ilalaan ng rekord na ito ang talaangkanan ng Mesiyas, ang Binhi, ang linya na may natatanging kahalagahan.—Ju 7:42.
-
-
TalaangkananKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Mula kay Adan Hanggang sa Baha. Ipinakikita ng Bibliya na mayroon nang mga talaan ng mga kaugnayang pampamilya mula pa noong pasimula ng sangkatauhan. Nang isilang ang anak ni Adan na si Set, sinabi ni Eva: “Ang Diyos ay naglaan sa akin ng isa pang binhi bilang kahalili ni Abel, sapagkat pinatay siya ni Cain.” (Gen 4:25) Nakaligtas sa Baha ang ilang kinatawan ng linyang nagsimula kay Set.—Gen 5:3-29, 32; 8:18; 1Pe 3:19, 20.
Mula sa Baha Hanggang kay Abraham. Sa linya ng anak ni Noe na si Sem, na tumanggap ng pagpapala ni Noe, nagmula si Abram (Abraham), ang “kaibigan ni Jehova.” (San 2:23) Ang talaangkanang ito, lakip ang nabanggit na talaangkanan bago ang Baha, ang tanging paraan upang maitatag ang kronolohiya ng kasaysayan ng tao hanggang kay Abraham. Sa talaan bago ang Baha, tinatalunton ng rekord ang linya ni Set, at sa talaan pagkaraan ng Baha, ang linya naman ni Sem. Palagi nitong sinasabi ang panahong lumipas mula sa kapanganakan ng isang tao hanggang sa kapanganakan ng kaniyang anak. (Gen 11:10-24, 32; 12:4) Wala nang ibang malalawak na talaan ng angkan na sumasaklaw sa yugtong ito ng kasaysayan—isang pahiwatig na ang mga talaang ito ay nagsisilbi kapuwa bilang talaangkanan at kronolohiya. Sa ilang mga kaso, maitatakda ang espesipikong mga pangyayari sa agos ng panahon sa pamamagitan ng paggamit ng impormasyong pantalaangkanan.—Tingnan ang KRONOLOHIYA (Mula 2370 B.C.E. hanggang sa tipan kay Abraham).
Mula kay Abraham Hanggang kay Kristo. Dahil namagitan mismo ang Diyos, sina Abraham at Sara ay nagkaanak ng isang lalaki, si Isaac, na panggagalingan ng ‘binhing’ ipinangako. (Gen 21:1-7; Heb 11:11, 12) Sa anak naman ni Isaac na si Jacob (Israel) nagmula ang orihinal na 12 tribo. (Gen 35:22-26; Bil 1:20-50) Ang Juda ang magiging tribo ng mga hari, anupat nang maglaon ay nilimitahan ito sa pamilya ni David. Ang mga inapo naman ni Levi ang naging makasaserdoteng tribo, anupat ang mismong pagkasaserdote ay ibinigay lamang sa linya ni Aaron. Upang maitatag ang kaniyang legal na karapatan sa trono, si Jesu-Kristo na Hari, ay dapat na nagmula sa pamilya ni David at sa linya ni Juda. Ngunit yamang nanumpa ang Diyos na ang pagkasaserdote ni Jesus ay ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec, hindi kailangang manggaling siya sa Levitikong angkan.—Aw 110:1, 4; Heb 7:11-14.
-