Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pedro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Muli, noong Pentecostes, sa ilalim ng patnubay ng banal na espiritu, gumanap si Pedro bilang tagapagsalita para sa mga apostol at ginamit niya ang una sa “mga susi” na ibinigay sa kaniya ni Jesus, sa gayon ay binuksan ang daan upang ang mga Judio ay maging mga miyembro ng Kaharian.​—Gaw 2:1-41; tingnan ang SUSI, I.

  • Pedro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Di-nagtagal pagkatapos ng pagpatay kay Esteban bilang martir, nang maraming mananampalataya sa Samaria ang matulungan at mabautismuhan ni Felipe (na ebanghelisador), sina Pedro at Juan ay naglakbay patungo roon upang tulungan ang mga mananampalatayang ito na tumanggap ng banal na espiritu. Doon ginamit ni Pedro ang ikalawang “susi ng kaharian.” Pagkatapos, nang pabalik na sila sa Jerusalem, “ipinahayag [ng dalawang apostol] ang mabuting balita” sa maraming Samaritanong nayon. (Gaw 8:5-25) Lumilitaw na muling humayo si Pedro sa isang misyon anupat noong panahong iyon ay pinagaling niya sa Lida si Eneas, na paralisado sa loob ng walong taon, at binuhay niyang muli ang babaing si Dorcas ng Jope. (Gaw 9:32-43) Mula sa Jope, inakay si Pedro na gamitin ang ikatlong “susi ng kaharian,” kaya naglakbay siya patungong Cesarea upang mangaral kay Cornelio at sa mga kamag-anak at mga kaibigan nito. Bilang resulta, sila ang naging unang di-tuling mga Gentil na mananampalataya na tumanggap ng banal na espiritu bilang mga tagapagmana ng Kaharian. Pagbalik ni Pedro sa Jerusalem, kinailangan niyang harapin ang mga tutol sa pagkilos na iyon, ngunit sumang-ayon naman ang mga ito nang maiharap niya ang katibayan na kumilos siya ayon sa patnubay ng Diyos.​—Gaw 10:1–11:18; ihambing ang Mat 16:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share