Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Ngipin, Mga”
  • Ngipin, Mga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ngipin, Mga
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Pinagngangalit Mo Ba ang Iyong mga Ngipin?
    Gumising!—1998
  • Kailangan Mo ba ng Postiso?
    Gumising!—1993
  • “Orthodontics”—Ano ba ang Nasasangkot Dito?
    Gumising!—1998
  • Pag-iingat sa Maseselan na Ngipin
    Gumising!—2000
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Ngipin, Mga”

NGIPIN, MGA

Mga sangkap na matitigas at mabuto, nakakabit sa loob ng bibig at ginagamit sa pagnguya ng pagkain; sa kaso ng mga hayop, nagsisilbi ring sandata ang mga ito.

Palibhasa’y muntik na siyang mamatay dahil sa kaniyang mga paghihirap, ang tapat na lingkod ng Diyos na si Job ay nagsabi: “Ako ay bahagya nang nakatakas na gabalat ng aking mga ngipin.” (Job 19:20) Waring ang sinasabi lamang ni Job ay na nakatakas siya nang walang dala o halos walang dala. Bahagya na siyang nakatakas na gabalat ng kaniyang mga ngipin, samakatuwid nga, “gabalat” niyaong sa tingin ay wala namang balat.

Ang pananalitang pagngangalit ng mga ngipin ay kadalasang ginagamit upang tumukoy sa matinding galit (Job 16:9; Gaw 7:54) o panggigipuspos at kawalang-pag-asa. (Mat 8:12; 13:42, 50; 22:13; 24:51; 25:30) Ang gayong pagngangalit ay maaaring may kasamang mapapait na salita at marahas na pagkilos laban sa tampulan ng galit.

Sa Amos 4:6, ang pananalitang “kalinisan ng mga ngipin” ay inihahanay sa “kakapusan sa tinapay,” anupat kumakatawan sa mga kalagayan ng taggutom.

Sumasagisag din ang mga ngipin sa mapangwasak na lakas ng isang bansa o bayan. (Dan 7:5, 7, 19; Joe 1:6; Apo 9:8) Inihahalintulad ni David sa mababangis na leon ang balakyot na mga kaaway ng matuwid, at nagsusumamo siya sa Diyos na patamaan sa panga ang mga ito at basagin ang kanilang mga ngipin. Hindi na sila makapananakit kapag nangyari iyon. (Aw 3:7; 58:6) Inilalarawan naman ang mga bulaang propeta ng Israel bilang sakim at matatakaw, anupat “ipinangkakagat ang kanilang mga ngipin,” at nagpapabanal sila ng digmaan laban sa sinumang hindi nagpapakain sa kanila.​—Mik 3:5; ihambing ang Eze 34:2, 3; Mat 7:15; Gaw 20:29.

Noong mga araw bago ang pagkawasak ng Jerusalem, ganito ang isang karaniwang kasabihan ng mga tao: “Ang mga ama ang kumain ng hilaw na ubas, ngunit ang mga ngipin ng mga anak ang nangilo.” (Jer 31:29; Eze 18:2-4) Sa pamamagitan nito, sinikap nilang magdahilan upang huwag silang masisi sa masasamang kalagayan na sinapit ng bansa bunga ng kabalakyutan nito, anupat sinasabing ang dinaranas nila ay resulta ng ginawa ng kanilang mga ama.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share