Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kapayapaan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Noong nasa lupa si Kristo Jesus, ang likas na mga Judio at ang mga di-Judio ay walang pakikipagpayapaan sa Diyos na Jehova. Dahil sa pagsalansang nila sa kautusan ng Diyos, ang mga Judio ay napasailalim sa sumpa ng Kautusan. (Gal 3:12, 13) Tungkol naman sa mga di-Judio na nasa labas ng tipan ng Diyos, sila ay “walang pag-asa at walang Diyos sa sanlibutan.” (Efe 2:12) Gayunman, sa pamamagitan ni Kristo Jesus, ang dalawang bayang ito ay binigyan ng pagkakataong pumasok sa isang mapayapang kaugnayan sa Diyos. Tinukoy ito sa patalastas ng mga anghel para sa mga pastol noong ipanganak si Jesus: “Sa lupa ay kapayapaan sa gitna ng mga taong may kabutihang-loob.”​—Luc 2:14.

      Ang mensahe ng kapayapaan na ipinahayag ni Jesus at ng kaniyang mga tagasunod ay nakaakit sa ‘mga kaibigan ng kapayapaan,’ samakatuwid nga, sa mga taong nagnanais na makipagkasundo sa Diyos. (Mat 10:13; Luc 10:5, 6; Gaw 10:36) Gayunman, ang mensaheng ito ay naging sanhi ng pagkakabaha-bahagi ng mga sambahayan, palibhasa’y tinanggap ito ng ilan at tinanggihan naman ng iba. (Mat 10:34; Luc 12:51) Tinanggihan ng karamihan sa mga Judio ang mensahe at sa gayon ay nabigo sila na maunawaan ang “mga bagay na may kinalaman sa kapayapaan,” anupat maliwanag na kalakip dito ang pagsisisi at ang pagtanggap kay Jesus bilang ang Mesiyas. (Ihambing ang Luc 1:79; 3:3-6; Ju 1:29-34.) Ang pagkabigo nilang ito ay humantong sa pagkawasak ng Jerusalem sa pamamagitan ng mga hukbong Romano noong 70 C.E.​—Luc 19:42-44.

      Gayunman, ang mga Judiong tumanggap sa “mabuting balita ng kapayapaan” ay mga makasalanan din at dahil dito ay kailangang maipagbayad-sala ang kanilang mga pagsalansang upang magkaroon sila ng mapayapang kaugnayan sa Diyos na Jehova. Ang kamatayan ni Jesus bilang haing pantubos ang nakatugon sa pangangailangang ito. Gaya ng inihula: “Ang kaparusahang ukol sa aming kapayapaan ay sumasakaniya, at dahil sa kaniyang mga sugat ay nagkaroon ng pagpapagaling para sa amin.” (Isa 53:5) Inilaan din ng sakripisyong kamatayan ni Jesus sa pahirapang tulos ang saligan upang kanselahin ang Kautusang Mosaiko, na siyang nagbubukod sa mga Judio mula sa mga di-Judio. Dahil dito, kapag naging mga Kristiyano, ang dalawang bayang ito ay maaari nang magkaroon ng pakikipagpayapaan sa Diyos at sa isa’t isa. Ang apostol na si Pablo ay sumulat: “[Si Jesus] ang ating kapayapaan, siya na nagpaging-isa sa dalawang panig at gumiba sa pader na nasa pagitan na naghihiwalay sa kanila. Sa pamamagitan ng kaniyang laman ay pinawi niya ang pag-aalitan, ang Kautusan ng mga utos na binubuo ng mga tuntunin, upang malalang niya ang dalawang bayan na kaisa ng kaniyang sarili bilang isang bagong tao at gumawa ng kapayapaan; at upang lubos niyang maipagkasundo sa isang katawan sa Diyos ang dalawang bayan sa pamamagitan ng pahirapang tulos, sapagkat pinatay niya ang pag-aalitan sa pamamagitan ng kaniyang sarili. At dumating siya at ipinahayag ang mabuting balita ng kapayapaan sa inyo, ang malalayo, at kapayapaan doon sa malalapit, sapagkat sa pamamagitan niya tayo, ang dalawang bayan, ay may paglapit sa Ama sa pamamagitan ng isang espiritu.”​—Efe 2:14-18; ihambing ang Ro 2:10, 11; Col 1:20-23.

  • Kapayapaan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ninais din noon ng mga Kristiyano na ang iba ay magtamasa ng kapayapaan. Kaya naman ‘suot ang panyapak para sa mabuting balita ng kapayapaan,’ isinagawa nila ang kanilang espirituwal na pakikipagdigma. (Efe 6:15)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share