-
Ehipto, EhipsiyoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Bagaman maraming Judio ang walang alinlangang umalis sa Ehipto at bumalik sa kanilang sariling lupain (Isa 11:11-16; Os 11:11; Zac 10:10, 11), ang iba ay nanatili roon. Dahil dito, nagkaroon ng isang kolonya ng mga Judio sa Elephantine (sa Ehipsiyo, Yeb), isang pulo sa Nilo na malapit sa Aswan, mga 690 km (430 mi) sa T ng Cairo. Isinisiwalat ng natuklasang mga papiro ang mga kalagayan doon noong ikalimang siglo B.C.E., humigit-kumulang noong panahong aktibo sa Jerusalem sina Ezra at Nehemias. Sa mga dokumentong ito na nakasulat sa Aramaiko ay mababasa ang pangalan nina Sanbalat ng Samaria (Ne 4:1, 2) at Johanan na mataas na saserdote. (Ne 12:22) Kapansin-pansin ang isang opisyal na utos, ipinalabas noong panahong naghahari si Dario II (423-405 B.C.E.), na ipagdiwang ng kolonya “ang kapistahan ng mga tinapay na walang pampaalsa.” (Exo 12:17; 13:3, 6, 7) Kapuna-puna rin ang malimit na paggamit ng pangalang Yahu, isang anyo ng pangalang Jehova (o Yahweh; ihambing ang Isa 19:18), bagaman mayroon ding malinaw na katibayan na nakapasok ang paganong pagsamba.
-
-
Ehipto, EhipsiyoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Mahahalagang Tuklas na Papiro. Dahil tuyung-tuyo ang lupa sa Ehipto, napreserba ang maraming manuskritong papiro, na nasira na sana kung mamasa-masa ang kapaligiran. Mula noong huling bahagi ng ika-19 na siglo, maraming papiro ang natuklasan doon, kasama ang malaking bilang ng mga papiro ng Bibliya, gaya ng koleksiyon ni Chester Beatty. Ang mga ito ay nagsisilbing mahahalagang kawing sa pagitan ng orihinal na mga sulat ng Banal na Kasulatan at ng vellum na kopya ng mga manuskrito na ginawa nang dakong huli.
-