Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Puteoli”
  • Puteoli

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Puteoli
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Paglalakbay ni Pablo sa Roma at Unang Pagkabilanggo Niya Doon (Gaw 27:1–28:31)
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Italya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Regio
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Puteoli”

PUTEOLI

Noong unang siglo C.E., isang pangunahing daungan sa TS ng Roma. Dumating si Pablo sa Puteoli noong patungo siya sa Roma upang tumayo sa harap ni Cesar noong mga taóng 59 C.E. (Gaw 28:13) Sa tulong ng isang hanging T, ang barkong sinasakyan niya ay dumating “noong ikalawang araw” sa Puteoli mula sa Regio, isang lugar na mga 320 km (200 mi) sa dakong TTS.

Namanhik ang mga kapatid na Kristiyano sa Puteoli kay Pablo at sa mga kasama niya na gumugol ng isang linggo sa piling nila. (Gaw 28:14) Ipinahihiwatig nito na nagkaroon siya ng kalayaang gumawa ng ilang bagay, bagaman isa siyang bilanggo. Mas maaga rito, samantalang nasa ilalim siya ng pagbabantay sa Cesarea at Sidon, nakinabang din si Pablo sa limitadong kalayaan.​—Gaw 24:23; 27:3.

Ang Puteoli ay karaniwang iniuugnay sa makabagong Pozzuoli, nasa look na may gayunding pangalan, mga 10 km (6 na mi) sa KTK ng Naples. Makikita pa rin doon ang malalawak na guho ng isang sinaunang kayariang panangga sa tubig. Tinatawag ni Josephus ang lugar na ito ayon sa mas matandang pangalan nito, Dicaearchia, at sinasabi niya na isang kolonyang Judio ang matatagpuan doon.​—Jewish Antiquities, XVII, 328 (xii, 1).

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share