-
PagkauloKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sa katulad na paraan, sa pagganap ng asawang lalaki sa kaniyang pagkaulo, mayroon siyang karapatan sa paggawa ng huling mga pagpapasiya at sa pangangasiwa. Gayunman, bukod pa rito, may tungkulin siyang dapat gampanan para sa kaniyang pamilya. Siya ang may pangunahing obligasyon na maglaan para sa kaniyang sambahayan sa materyal at espirituwal na paraan.—1Ti 5:8.
Dapat gampanan ng lalaking Kristiyano ang kaniyang pagkaulo nang may karunungan, anupat iniibig ang kaniyang asawa gaya ng kaniyang sarili. (Efe 5:33) Sa ganitong paraan ginagampanan ni Jesu-Kristo ang kaniyang pagkaulo sa kongregasyong Kristiyano. (Efe 5:28, 29) Bilang ulo ng kaniyang mga anak, hindi dapat inisin ng ama ang mga ito kundi dapat niya silang palakihin “sa disiplina at pangkaisipang patnubay ni Jehova.” (Efe 6:4)
-
-
PagkauloKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Halimbawa, kung siya ay isang taong may pamilya, bilang paggalang sa sarili niyang ulo, si Kristo, dapat siyang sumunod sa payo na manahanang kasama ng kaniyang asawa ayon sa kaalaman, anupat ‘pinag-uukulan ito ng karangalang gaya ng sa isang mas mahinang sisidlan,’ at dapat siyang marubdob na magsikap na sanayin ang kaniyang mga anak sa wastong paraan. (1Pe 3:7; Efe 6:4) Inilaan sa Bibliya ang payong ito para sa lahat ng nasa kongregasyon ni Kristo, kaya ang pagsunod ng lalaki sa payong ito ay pagpapakita ng paggalang sa pagkaulo.—Efe 5:23.
Yamang ang lalaki ang unang nilalang, binigyan siya ng mas mataas na posisyon kaysa sa babae. (1Ti 2:12, 13) Ang babae ay ginawa mula sa tadyang na kinuha mula sa lalaki at sa gayon ay buto ng kaniyang mga buto at laman ng kaniyang laman. (Gen 2:22, 23) Nilalang ang babae alang-alang sa lalaki, hindi ang lalaki alang-alang sa babae. (1Co 11:9) Kaya naman sa kaayusan ng Diyos para sa pamilya, dapat na lagi siyang magpasakop sa kaniyang asawang lalaki at hindi niya dapat agawin ang awtoridad nito. (Efe 5:22, 23; 1Pe 3:1) Gayundin, sa kongregasyong Kristiyano, ang babae ay hindi dapat magturo sa ibang naaalay na lalaki ni magkaroon man ng awtoridad sa kanila.—1Ti 2:12.
Kinilala ng mga Hebreo noong sinaunang mga panahon ang nakatataas na posisyon ng lalaki sa pamilya at sa kaayusan ng mga tribo. Si Sara ay naging mapagpasakop, anupat tinawag niyang “panginoon” si Abraham, at pinapurihan siya dahil sa pagkilala niya sa pagkaulo nito. (Gen 18:12; 1Pe 3:5, 6) Sa ilalim ng tipang Kautusan, idiniin ang nakatataas na posisyon ng lalaki. Ang mga kalalakihan lamang ang inutusang magtipon para sa tatlong kapistahan ni Jehova sa dakong pinili niya, bagaman dumadalo rin noon ang mga babae. (Deu 16:16) Ang ‘karumihan’ ng babae sa seremonyal na paraan pagkasilang niya ng isang sanggol na babae ay makalawang ulit na mas matagal kaysa kung sanggol na lalaki ang isinilang niya.—Lev 12:2, 5.
-