-
PugadKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang malalagong dahon ng matitibay na sedro ng Lebanon ay napakagandang pamugaran ng ibang mga ibon. Sapat ang silungan at kublihan dito sa buong taon. Binanggit ito ng salmista bilang isang halimbawa ng kamangha-manghang mga paglalaan ng Diyos para sa kapakanan ng kaniyang mga nilalang.—Aw 104:16, 17.
-
-
PugadKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nang humula siya laban sa Jerusalem, tinukoy ni Jeremias ang katayugan ng mga punungkahoy ng Lebanon at ang halaga ng tablang sedro nito, na pantanging ginagamit noon ng mga hari at mayayamang tao sa pagtatayo ng kanilang mga bahay. Ang malaking bahagi ng palasyo ng hari ng Juda at mga gusali ng pamahalaan sa Jerusalem ay gawa sa sedro. Kaya naman tinukoy ni Jeremias ang mga tumatahan sa Jerusalem bilang mga “nananahanan sa Lebanon, na namumugad sa mga sedro.” Ngunit ibababa sila mula sa matayog na posisyong ito.—Jer 22:6, 23.
-