SEAR-JASUB
[Isang Nalabi Lamang (Yaong mga Nalalabi) ang Babalik].
Ang unang anak ni Isaias. Sumama si Sear-jasub nang maghatid si Isaias ng isang makahulang mensahe kay Haring Ahaz noong panahon ng pagsalakay sa Juda ng Israelitang si Haring Peka. (Isa 7:1, 3) Si Isaias at ang kaniyang mga anak ay nagsilbing mga tanda at mga himala mula kay Jehova sa Israel; kaya inihula ng pangalan ni Sear-jasub na ‘isang nalabi lamang ang makababalik’ mula sa pagkatapon sa Babilonya.—Isa 8:18; 10:21.