Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Manuskrito ng Bibliya, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bagaman sinadya ng mas huling mga eskriba na gumawa ng ilang pagbabago sa tekstong Hebreo, ang mga iyon ay nakita ng humaliling mga eskriba, ang mga Masorete, at itinala nila sa Masora, o mga nota sa mga gilid ng Hebreong tekstong Masoretiko na kanilang ginawa.

  • Manuskrito ng Bibliya, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Mga Manuskrito ng Hebreong Kasulatan. Posibleng mga 6,000 manuskrito ng buo o ilang bahagi ng Hebreong Kasulatan ang umiiral sa ngayon at matatagpuan sa iba’t ibang aklatan. Ang karamihan ay kababasahan ng tekstong Masoretiko at nagmula noong ikasampung siglo C.E. o pagkatapos nito. Sinikap ng mga Masorete (noong ikalawang kalahatian ng unang milenyo C.E.) na itawid nang tumpak ang tekstong Hebreo at wala silang anumang binago sa pananalita ng mismong teksto. Gayunman, upang maingatan ang tradisyonal na bigkas ng tekstong puro katinig, nag-imbento sila ng isang sistema ng paglalagay ng mga tuldok-patinig at tuldik. Bukod pa rito, sa kanilang Masora, o mga panggilid na nota, itinawag-pansin nila ang anumang kakatwa sa teksto at itinala nila ang mga pagtutuwid na ipinapalagay nilang kailangan. Ang tekstong Masoretiko ang lumilitaw sa inimprentang mga Bibliyang Hebreo sa makabagong panahon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share