-
SaserdoteKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Si Zacarias na ama ni Juan na Tagapagbautismo ay isang saserdote mula sa ikawalong pangkat, yaong kay Abias. Gayunman, kung tama ang nabanggit na, maaaring si Zacarias ay hindi inapo ni Abias—posibleng kabilang lamang siya sa pangkat na tinawag sa pangalan ni Abias. (1Cr 24:10; Luc 1:5) Dahil sa kawalan ng kumpletong impormasyon, hindi makagagawa ng tiyak na mga konklusyon hinggil sa mga puntong ito.
-
-
SaserdoteKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Malamang na ang pagsusunog ng insenso sa ibabaw ng ginintuang altar ang itinuturing na pinakamarangal sa lahat ng pang-araw-araw na mga paglilingkod. Ginagawa ito pagkatapos maihandog ang hain. Sa panahon ng pagsusunog ng insenso, ang bayan ay nagtitipon sa labas ng santuwaryo upang manalangin. Ayon sa tradisyong rabiniko, pinagpapalabunutan ang paglilingkod na ito, ngunit yaong nakapanungkulan na ay hindi na pinahihintulutang makibahagi malibang ang lahat ng naroroon ay nakapagsagawa na ng paglilingkod na ito. (The Temple, p. 135, 137, 138) Kung totoo ito, karaniwa’y minsan lamang sa buong buhay niya magkakaroon ng ganitong karangalan ang isang saserdote. Ito ang paglilingkod na isinasagawa ni Zacarias nang magpakita sa kaniya ang anghel na si Gabriel upang ipatalastas na si Zacarias at ang kaniyang asawang si Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki. Nang lumabas si Zacarias sa santuwaryo, napag-unawa ng mga taong nagkakatipon doon, batay sa kaniyang hitsura at dahil hindi siya makapagsalita, na nakakita si Zacarias ng isang kahima-himalang tanawin sa santuwaryo; kaya naman nalaman ng lahat ang pangyayaring iyon.—Luc 1:8-23.
-