-
Suso, DibdibKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Dibdib (sa Ingles, bosom). Ang salitang ito ay kadalasang tumutukoy sa tupi ng itaas na bahagi ng mahabang damit, sa halip na sa mismong dibdib.
-
-
Suso, DibdibKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Noong panahon ng Bibliya, ang kasuutan ng mga Israelita ay medyo makapal sa bandang dibdib, anupat sa mga tupi nito ay maaaring ipasok ng isang tao ang kaniyang mga kamay, salapi, o iba pang mga bagay at maaari pa ngang dito buhatin ang isang sanggol o isang maliit na kordero. (Exo 4:6, 7; Bil 11:12; 2Sa 12:3) Sinasabi ni Jehova na bubuhatin niya ang kaniyang mga kordero sa kaniyang dibdib, isang ilustrasyon tungkol sa kaniyang magiliw na pag-ibig at pangangalaga sa kanila. (Isa 40:11)
-
-
Suso, DibdibKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang mga pananalitang ‘igagawad ang kagantihan sa kanilang dibdib’ o ‘susukatin sa kanilang dibdib ang kanilang kabayaran’ ay madaling maunawaan kung isasaalang-alang natin na ang mga bulsa ng mga kasuutan ay wala sa mga laylayan o sa bandang ibaba ng kasuutan gaya sa ngayon. (Isa 65:6, 7; Aw 79:12; Jer 32:18) Sa katulad na paraan, ang mga pananalitang ‘pagdadala ng pandurusta sa dibdib ng isa,’ ‘pagtutumpok ng apoy sa kaniyang dibdib,’ ‘pagtanggap ng suhol mula sa dibdib’ at “suhol na nasa dibdib” ay tumutukoy sa paggamit sa pang-itaas na mga tupi ng kasuutan.—Aw 89:50; Kaw 6:27; 17:23; 21:14.
-