Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jonatan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang pantanging pagkakaibigan nina Jonatan at David ay nagsimula hindi pa natatagalan matapos patayin ni David si Goliat. Malamang na ang walang-takot na pagkilos na iyon bilang pagtatanggol sa bayan ni Jehova ang partikular na nakaantig sa damdamin ni Jonatan. Nang marinig ang ulat ni David tungkol doon, “ang mismong kaluluwa ni Jonatan ay nalakip sa kaluluwa ni David, at inibig siya ni Jonatan na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.” (1Sa 18:1) Ang dalawang ito na magigiting na mandirigma at tapat na mga lingkod ng Diyos ay “nagtibay ng isang tipan” ng pagkakaibigan. Nakita ni Jonatan na taglay ni David ang espiritu ng Diyos. (1Sa 18:3) Hindi niya ito itinuring nang may paninibugho bilang karibal, gaya ng ginawa ni Saul. Sa halip, ang paggalang niya sa paraan ng Diyos sa paglutas ng mga bagay-bagay ay naging mahusay na halimbawa para sa kaniyang nakababatang kaibigan. Hindi niya sinuportahan si Saul sa hangarin nitong patayin si David kundi, sa halip, binabalaan niya si David at sinikap na mamagitan. Nang mapilitan si David na tumakas, nakipagtagpo si Jonatan sa kaniya at nakipagtipan sa diwa na ipagsasanggalang siya ni David at pati ang kaniyang sambahayan.​—1Sa 19:1–20:17.

      Muling nagsalita si Jonatan kay Saul tungkol kay David, ngunit muntik na siyang mamatay dahil dito sapagkat sa bugso ng galit ay hinagisan ni Saul ng sibat ang sarili niyang anak. Ayon sa pinagkasunduan, nagtagpo sina Jonatan at David sa isang parang kung saan pumaroon ang anak ng hari upang kunwari’y magsanay ng pamamana. (1Sa 20:24-40) Muling pinagtibay ng magkaibigan ang kanilang buklod ng pagmamahalan at “hinalikan nila ang isa’t isa at tinangisan ang isa’t isa,” gaya ng mapapansing ginawa ng ibang mga lalaki at ginagawa pa rin sa ilang lupain sa ngayon. (1Sa 20:41; Gen 29:13; 45:15; Gaw 20:37) Nang maglaon, nakipagkita si Jonatan kay David sa huling pagkakataon sa Hores at pinalakas niya ang “kamay nito may kinalaman sa Diyos”; muli nilang pinagtibay ang kanilang tipan.​—1Sa 23:16-18.

  • Jonatan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Labis na ipinagdalamhati ni David ang pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigang si Jonatan, anupat inawit pa niya para kina Saul at Jonatan ang panambitan na pinamagatang “Ang Busog.” (2Sa 1:17-27) Pinagpakitaan ni Haring David ng pantanging kabaitan ang pilay na anak ni Jonatan na si Mepiboset, na limang taóng gulang noong mamatay ang ama nito. Nang dakong huli ay nagkaroon ito ng permanenteng dako sa mesa ng hari. (2Sa 4:4; 9:10-13)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share