-
Paglalang, NilalangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Bagaman si Jehova, na isang Espiritu (Ju 4:24; 2Co 3:17), ay umiiral na mula’t sapol, hindi ganiyan ang materyang bumubuo sa sansinukob. Samakatuwid, nang lalangin niya ang literal na langit at lupa, hindi gumamit si Jehova ng materyal na dati nang umiiral. Nililinaw iyan ng Genesis 1:1, na nagsasabi: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” Kung dati nang umiiral ang materya, hindi wastong gamitin ang terminong “pasimula” para sa materyal na mga bagay.
-
-
Paglalang, NilalangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nang sabihin nitong, “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa” (Gen 1:1), hindi tiniyak ng Kasulatan kung aling panahon ang tinutukoy nito. Kaya naman hindi mapupulaan ang paggamit dito ng terminong “pasimula,” anumang edad ang tinataya ng mga siyentipiko para sa makalupang globo at sa iba’t ibang planeta at iba pang mga bagay sa kalangitan. Posibleng bilyun-bilyong taon na ang nakararaan mula nang aktuwal na lalangin ang materyal na langit at lupa.
-
-
Paglalang, NilalangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang Genesis 1:1, 2 ay tumutukoy sa isang panahon bago ang anim na “araw” na binalangkas sa tsart. Nang magsimula ang “mga araw” na ito, umiiral na ang araw, buwan, at mga bituin, yamang binanggit na sa Genesis 1:1 ang paglalang sa mga ito.
-