-
Hivita, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang grupong ito ay ang mga Gibeonita, maliwanag na kumakatawan din sa tatlong iba pang Hivitang lunsod. Ang mga ito lamang ang natakot kay Jehova, anupat kinilala na nakikipaglaban siya para sa Israel. Sa pamamagitan ng isang pakana ay nagawa nilang pumasok sa isang pakikipagtipan sa mga lider ng Israel kung kaya hindi sila pinatay kundi ginawa silang mabababang lingkod ng Israel. (Jos 9:1-15, 24-27) Ito ang isa sa halimbawa ng katuparan ng sumpa ni Noe kay Canaan, na ang mga Gibeonita at ang kanilang mga kasamahan, bagaman hindi pinuksa, ay naging mga alipin ng mga Semita.—Gen 9:25-27.
-
-
Hivita, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Noong panahon ng pambuong-bansang programa ni Solomon ng pagtatayo, ginamit niya ang mga Canaanita, kabilang na ang mga Hivita, para sa puwersahang pagtatrabaho sa ilalim ng pamamahala ng mga tagapangasiwang Israelita. Dito higit na natupad ang makahulang sumpa ni Noe kay Canaan.—1Ha 9:20-23; 2Cr 8:7-10.
-