Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Beer-sheba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Pagkatapos na mahati ang bansa sa dalawang kaharian, patuloy na ginamit ang Beer-sheba upang tumukoy sa pinakadulong timog ng kaharian ng Juda sa mga pananalitang “mula sa Geba hanggang sa Beer-sheba” (2Ha 23:8) at “mula sa Beer-sheba hanggang sa bulubunduking pook ng Efraim” (kung saan nagsisimula ang nasasakupan ng hilagang kaharian ng Israel). (2Cr 19:4)

  • Beer-sheba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang totoo, may iba pang mga bayan ng Lupang Pangako na nasa dakong T ng Beer-sheba, kung paanong mayroon ding mga bayan ng Israel sa H ng Dan. Gayunman, kapuwa ang Dan at Beer-sheba ay nasa likas na mga hanggahan ng lupain. Sa kaso ng Beer-sheba, ito ay nasa ibaba ng kabundukan ng Juda na kahangga ng disyerto. Karagdagan pa, isa ito sa mga pangunahing lunsod ng Juda (kasama ang Jerusalem at Hebron), hindi lamang dahil mayroon itong mahusay na suplay ng tubig kung ihahambing sa nakapalibot na rehiyon, anupat angkop itong pagsakahan at panginainan ng mga bakahan at mga kawan, kundi dahil din sa nagsasalubong doon ang mahahalagang lansangan mula sa iba’t ibang direksiyon. Mula sa Ehipto, isang sinaunang ruta ang paahon sa may “Daan ng mga Balon” at dumaraan sa Kades-barnea patungong Beer-sheba, anupat sinasalubong ito ng isa pang daan kung saan naglalakbay ang mga pulutong na nakasakay sa kamelyo mula sa “Mga Kaharian ng mga Espesya” ng Peninsula ng Arabia, na patungong Filistia o Juda. Mula sa Ezion-geber, sa pinakaulo ng Gulpo ng ʽAqaba, isa pang paahong ruta ang dumaraan sa Araba at pagkatapos ay lumiliko sa K, paakyat sa Sampahan ng Akrabim patungong Beer-sheba. Sa Gaza, sa Kapatagan ng Filistia, isang daan na sanga ng lansangang-bayan ang patungong TS sa Beer-sheba. At, upang maidugtong ito sa iba pang bahagi ng Juda, isang daan ang nagmumula sa Beer-sheba patungo sa HS, anupat umaahon sa talampas paakyat sa kabundukan ng Juda papuntang Jerusalem at sa mga lugar na nasa mas dako pang H.​—Gen 22:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share