Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Persia, Mga Persiano
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • May arkeolohikal na katibayan na nagpapakitang pagkatapos niyang masakop ang Babilonya, kaagad na bumalik si Ciro sa Ecbatana (makabagong Hamadan), na mahigit 1,900 m (6,200 piye) ang taas mula sa kapantayan ng dagat sa paanan ng Bundok Alwand, kung saan makapal ang niyebe at matindi ang ginaw kapag taglamig ngunit kaayaaya ang klima kapag tag-araw. Sa Ecbatana natagpuan ang tagubilin ni Ciro may kinalaman sa muling pagtatayo ng templo ng Jerusalem, maraming taon matapos itong ilabas. (Ezr 6:2-5)

  • Persia, Mga Persiano
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bagaman ipinakikita ng kasaysayan ng mga tagapamahalang Persiano na hindi naman sila malaya sa panlilinlang at intriga, ang likas nilang pagsunod sa pantribong simulain ng ‘pagtupad sa pangako’ ay ipinahihiwatig ng kanilang paggigiit na hindi maaaring labagin ang “kautusan ng mga Medo at ng mga Persiano.” (Dan 6:8, 15; Es 1:19; 8:8) Kaya nang matagpuan ang batas ni Ciro mga 18 taon pagkatapos itong mailabas, kinilala ni Haring Dario ang legalidad ng katayuan ng mga Judio kung tungkol sa pagtatayo ng templo at ipinag-utos ang lubusang pakikipagtulungan sa mga ito.​—Ezr 6:1-12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share