-
Kawalang-kapintasanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang mga salitang Hebreo na tam at ta·mimʹ ay nagmula sa pandiwang salitang-ugat na ta·mamʹ, na nangangahulugang “maging ganap, matapos; sumapit sa kasukdulan; malipol.” (Aw 19:13; 1Ha 6:22; Isa 18:5; Jer 24:10; ihambing ang 1Sa 16:11, kung saan ang parirala na isinaling “Ito na bang lahat ang mga batang lalaki?” ay literal na nangangahulugang “Kumpleto na ba ang mga batang lalaki?”) Sa Griegong Septuagint, ang salitang Hebreo na tam ay isinasalin kung minsan bilang aʹmem·ptos. (Job 1:1,
-
-
Kawalang-kapintasanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Kapag ginagamit upang ilarawan ang mga tao, ang terminong “walang kapintasan” ay dapat na ituring na relatibo at hindi ganap. Bumuo ang nagdurusang si Job ng maling mga palagay tungkol kay Jehova, anupat kalakip sa mga ito ang hinggil sa paraan ng pakikitungo ng Makapangyarihan-sa-lahat sa mga walang kapintasan. (Job 9:20-22) Nagpamalas naman si Zacarias, na ama ni Juan na Tagapagbautismo, ng kawalang-pananampalataya sa kapahayagan ni Jehova sa pamamagitan ng anghel na si Gabriel. (Luc 1:18-20) Gayunpaman, tinukoy pa rin sina Job at Zacarias bilang walang kapintasan, yamang nakatugon sila sa inaasahan ni Jehova sa mga tao na bagaman tapat ay may bahid ng di-kasakdalan.—Job 1:1; Luc 1:6.
-