-
AvestruzKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Kung ang siguana ay gumagawa ng matibay at malaking pugad sa mga tuktok ng mga punungkahoy (Aw 104:17), mga gusali, o matataas na bato, ang avestruz naman ay kumakahig lamang sa lupa at gumagawa ng isang mababaw na hukay na napalilibutan ng mababang bunton. Dito iniluluwal ng babaing avestruz ang kaniyang mga itlog, na tumitimbang nang mga 1.5 kg (3 lb) bawat isa. Yamang ang avestruz ay kadalasang kumukuha ng maraming kapareha (di-tulad ng siguana, na bantog sa katapatan nito sa iisang asawa), posibleng maraming itlog sa pugad mula sa dalawa o tatlong inahin. Nililimliman ng lalaking avestruz ang mga itlog sa pugad kapag gabi at ang inahin naman kapag araw, ngunit iniiwan ng inahin ang pugad sa loob ng ilang oras sa maghapon kapag mainit na ang sikat ng araw.
-