-
Hebreo, IIKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Nariyan din ang paralelismong synthetic (o, formal, constructive) kung saan hindi lamang basta inuulit ng ikalawang bahagi ang katulad na kaisipan niyaong nauna o basta nagbibigay ng kasalungat na kaisipan. Sa halip, nagpapalawak ito at nagdaragdag ng bagong kaisipan. Isang halimbawa nito ay ang Awit 19:7-9:
Ang kautusan ni Jehova ay sakdal,
na nagpapanauli ng kaluluwa.
Ang paalaala ni Jehova ay mapagkakatiwalaan,
na nagpaparunong sa walang-karanasan.
-
-
Hebreo, IIKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Pansinin na ang diwa ay kinukumpleto ng ikalawang bahagi ng bawat pangungusap o sugnay; kaya naman, ang buong talata ay isang sintesis, samakatuwid nga, resulta ng paglalahok ng dalawang elemento. Tanging sa pamamagitan ng pumapangalawang mga kalahating taludtod, gaya ng “na nagpapanauli ng kaluluwa” at “na nagpaparunong sa walang-karanasan,” natututuhan ng mambabasa kung paanong ‘sakdal ang kautusan’ at kung paanong ang “paalaala ni Jehova ay mapagkakatiwalaan.”
-