Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Panalangin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang “Dumirinig ng Panalangin.” Pinatototohanan ng buong rekord ng Kasulatan na si Jehova ang Isa na dapat pag-ukulan ng panalangin (Aw 5:1, 2; Mat 6:9), na siya ang “Dumirinig ng panalangin” (Aw 65:2; 66:19), at na may kapangyarihan siyang kumilos alang-alang sa mga nagsusumamo sa kaniya. (Mar 11:24; Efe 3:20) Ang pananalangin sa huwad na mga diyos at sa kanilang mga imaheng idolo ay inilalantad bilang kahangalan, sapagkat ang mga idolo ay hindi nakaririnig at walang kakayahang kumilos, at ang mga diyos na kanilang kinakatawanan ay hindi karapat-dapat ihambing sa tunay na Diyos. (Huk 10:11-16; Aw 115:4, 6; Isa 45:20; 46:1, 2, 6, 7) Pinatunayan ng pagsubok hinggil sa pagkadiyos ni Baal at ni Jehova, na ginanap sa Bundok Carmel, na isang kamangmangan ang pananalangin sa huwad na mga bathala.​—1Ha 18:21-39; ihambing ang Huk 6:28-32.

  • Panalangin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Yaong mga Dinirinig ng Diyos. Ang mga tao “mula sa lahat ng laman” ay maaaring lumapit sa “Dumirinig ng panalangin,” ang Diyos na Jehova. (Aw 65:2; Gaw 15:17) Kahit noong panahong ang Israel ay “pansariling pag-aari” ng Diyos, o katipang bayan niya, ang mga banyaga ay makalalapit kay Jehova sa panalangin kung kikilalanin nila ang Israel bilang ang instrumentong ginagamit ng Diyos at ang templo sa Jerusalem bilang ang kaniyang piniling dako para sa paghahain. (Deu 9:29; 2Cr 6:32, 33; ihambing ang Isa 19:22.) Nang maglaon, sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo, ang pagkakaiba sa pagitan ng Judio at ng Gentil ay inalis magpakailanman. (Efe 2:11-16) Sa bahay ng Italyanong si Cornelio, natanto ni Pedro na “ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya.” (Gaw 10:34, 35) Kung gayon, ang tinitingnan ni Jehova ay ang puso ng indibiduwal at kung ano ang iniuudyok sa kaniya ng kaniyang puso. (Aw 119:145; Pan 3:41) Ang mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at gumagawa ng “mga bagay na kalugud-lugod sa kaniyang paningin” ay makatitiyak na ang kaniyang “mga tainga” ay nakabukas din para sa kanila.​—1Ju 3:22; Aw 10:17; Kaw 15:8; 1Pe 3:12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share