Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Langit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang pagiging permanente ng pisikal na langit ay makikita sa pagkakagamit nito sa mga simili na nauugnay sa mga bagay na walang hanggan, gaya ng mapayapa at matuwid na mga resultang idudulot ng Davidikong kaharian na minana ng Anak ng Diyos. (Aw 72:5-7; Luc 1:32, 33) Sa gayon, ang mga tekstong gaya ng Awit 102:25, 26 na nagsasabing ang langit ay ‘naglalaho’ at ‘pinapalitang gaya ng kasuutang naluma na’ ay hindi dapat unawain sa literal na diwa.

  • Langit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Idiniriin ng Awit 102:25-27 ang kawalang-hanggan at kawalang-pagkasira ng Diyos, samantalang ang langit at lupa na kaniyang pisikal na mga lalang ay maaaring masira, samakatuwid nga, maaari itong mapuksa​—kung iyon man ang layunin ng Diyos. Di-gaya ng walang-hanggang pag-iral ng Diyos, ang pagiging permanente ng alinmang bahagi ng kaniyang pisikal na paglalang ay may pasubali. Gaya ng makikita sa lupa, ang pisikal na mga lalang ay kailangang patuluyang sumailalim sa proseso ng pagpapanibago upang ito ay tumagal o manatili sa kasalukuyang anyo nito. Ang pisikal na langit ay nakadepende sa kalooban ng Diyos at sa kaniyang kapangyarihang tumustos, gaya ng ipinahihiwatig sa Awit 148, kung saan, matapos tukuyin ang araw, buwan, at mga bituin, kasama ang iba pang mga lalang ng Diyos, sinasabi ng talata 6 na ‘pinananatili sila ng Diyos magpakailanman, hanggang sa panahong walang takda. Isang tuntunin ang ibinigay niya, at hindi iyon lilipas.’

      Ang mga salita ng Awit 102:25, 26 ay kumakapit sa Diyos na Jehova, ngunit sinipi ng apostol na si Pablo ang mga ito may kaugnayan kay Jesu-Kristo. Ito ay sapagkat ang bugtong na Anak ng Diyos ang personal na Ahente ng Diyos na ginamit sa paglalang ng pisikal na uniberso. Ipinakita ni Pablo ang kaibahan ng pagiging permanente ng pag-iral ng Anak kaysa roon sa pisikal na paglalang, na kapag nilayon ng Diyos ay maaari niyang ‘balutin gaya ng isang balabal’ at itago.​—Heb 1:1, 2, 8, 10-12; ihambing ang 1Pe 2:3, tlb sa Rbi8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share