Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Uling, Baga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kailangang-kailangan ang uling o mga baga sa pagtunaw at pagdadalisay ng mga metal; kung wala ang mga ito, halos imposibleng maabot at mapanatili ang matataas na temperaturang kailangan upang matunaw ang mga inambato (ore) at maging taganas na metal. (Isa 44:12; 54:16; tingnan ang PAGDADALISAY, TAGAPAGDALISAY.) Ganito rin ginagatungan ang mga hurnuhan ng bakal sa ngayon, anupat inilalagay ang inambato sa pagitan ng mga suson ng baga. Lumilitaw na sa pamamaraang ito nagmula ang ganitong kawikaan: Ang pagpapakita ng kabaitan sa isang kaaway ay tulad ng pagbubunton ng maaapoy na baga sa kaniyang ulo; pinalalambot nito ang kaniyang galit at pinalilitaw ang kaniyang mabubuting katangian. (Kaw 25:22; Ro 12:20)

  • Ulo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kabaitan sa mga Kaaway. Inirerekomenda ng Bibliya na pakitunguhan ng isang tao nang may kabaitan ang kaniyang kaaway, “sapagkat sa paggawa nito ay magbubunton ka ng maaapoy na baga sa kaniyang ulo.” (Ro 12:20; Kaw 25:21, 22) Ang metaporang ito ay hinalaw sa sinaunang proseso ng pagtunaw sa metal, kung saan binubuntunan ng mga baga ang ibabaw ng inambato na nakapatong din sa mga baga. Sa gayunding paraan, palalambutin at tutunawin ng kabaitan ang matigas na puso ng isang tao, anupat ihihiwalay nito ang mga dumi ng kasamaan at palalabasin ang kaniyang mabubuting katangian.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share