Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pulseras sa Bukung-bukong
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • PULSERAS SA BUKUNG-BUKONG

      Ang mga salitang Hebreo para sa “mga kadenitang pambukung-bukong” (ʼets·ʽa·dhahʹ; Bil 31:50) at “mga kadenilya sa paa” (tseʽa·dhahʹ; Isa 3:20) ay kapuwa nagmula sa salitang-ugat na tsa·ʽadhʹ, nangangahulugang “humakbang; humayo.” (Jer 10:5; Kaw 7:8) Ang Hebreong ʽeʹkhes (pulseras sa paa; pulseras sa bukung-bukong) ay nagmula sa salitang-ugat na ʽa·khasʹ, nangangahulugang “magpakalansing” o “magpaalog ng mga pulseras sa paa.” (Isa 3:16, 18, mga tlb sa Rbi8) Ang mga pulseras sa bukung-bukong o ang mga palamuting argolya na isinusuot sa mga binti sa itaas ng bukung-bukong ay karaniwang ginagamit sa sinaunang Gitnang Silangan. Ang mga ito ay gawa sa mga materyales na gaya ng tanso, ginto, pilak, bakal, bubog, at garing.

  • Pulseras sa Bukung-bukong
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Gayundin, kung minsan ay kinakabitan ng mga kadenitang pambukung-bukong ang mga pulseras sa bukung-bukong na isinusuot ng mga babae, anupat pinagdurugtong ang mga palamuting ito. Kumakalansing ang mga kadenita habang naglalakad ang may-suot nito, at sabihin pa, nakatatawag-pansin ang mga iyon at ang mismong mga pulseras sa bukung-bukong. Nililimitahan o pinaiikli rin ng mga kadenitang pambukung-bukong o mga kadenilya sa paa ang mga hakbang ng isang babae, anupat lumalakad siya nang patiyad, na maituturing na maganda o mahinhing kilos ng babae.​—Isa 3:16.

  • Pulseras sa Bukung-bukong
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Nang maglaon, ang palalong “mga anak na babae ng Sion” ay inilarawan bilang mga babae na “lumalakad nang patiyad, at sa pamamagitan ng kanilang mga paa ay nagpapakalansing sila,” o “sa kanilang mga paa ay nagpapaalog sila ng mga pulseras sa paa.” Sa pamamagitan ni Isaias, binabalaan sila ni Jehova na aalisin Niya ang kanilang mga palamuti at ang “kagandahan ng mga pulseras sa paa,” o mga pulseras sa bukung-bukong, gayundin ang kanilang “mga kadenilya sa paa.” (Isa 3:16, 18, 20) Tiyak na nakaapekto sa buhay ng mga babaing ito ang pananakop ng Babilonya sa Juda at Jerusalem noong 607 B.C.E., na nagbunga ng pagkawala ng kanilang maraming palamuti at ng kanilang kalayaan.​—Tingnan ang PALAMUTI.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share