BAHAY NG KALULUWA, MGA
Malamang na ang literal na isinaling pananalitang ito na “mga bahay ng kaluluwa” ay tumutukoy sa “mga lalagyan ng pabango.” Ang mga ito ay maaaring nakabitin mula sa isang kuwintas at isinusuot noon ng ‘palalong mga anak na babae ng Sion’ sa palibot ng kanilang leeg.—Isa 3:16, 18, 20.
Ang pananalitang Hebreo nito ay bot·tehʹ han·neʹphesh. Sa kasong ito, maaaring ang neʹphesh (kaluluwa) ay tumutukoy sa “isang bagay na nilalanghap” o “inaamoy,” at ang bot·tehʹ (mga bahay ng) ay maaaring nangangahulugang “mga lalagyan ng.”