-
SerapinKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
SERAPIN
Mga espiritung nilalang na nakapalibot sa trono ni Jehova sa langit. (Isa 6:2, 6) Ang salitang Hebreo na sera·phimʹ ay isang pangmaramihang pangngalan na halaw sa pandiwang sa·raphʹ, na nangangahulugang “sunugin.” (Lev 4:12) Kaya naman, ang terminong Hebreo na sera·phimʹ ay literal na nangangahulugang “mga nagliliyab.” Sa ibang mga talata, ang pangngalang ito ay nasa anyong pang-isahan (sa Heb., sa·raphʹ) o pangmaramihan at tumutukoy sa mga makalupang nilalang. Kapag ganito ang pagkakagamit, iba’t iba ang kahulugan nito, gaya ng “makamandag,” “malaapoy (nagdudulot ng pamamaga),” at “malaapoy na ahas.”—Bil 21:6, 8, mga tlb sa Rbi8.
-
-
SerapinKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
May mga serapin na nakatayo sa itaas niya. Bawat isa ay may anim na pakpak. Ang dalawa ay itinatakip niya sa kaniyang mukha, at ang dalawa ay itinatakip niya sa kaniyang mga paa, at ang dalawa ay ginagamit niya sa paglipad.
-
-
SerapinKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang pagiging “nakatayo” ng mga serapin ay maaaring nangangahulugan na sila’y “nakalutang sa kanilang puwesto,” gamit ang isang pares ng kanilang mga pakpak, kung paanong ang ulap noon ay “lumagay” o ‘nakatayo’ sa tabi ng pasukan ng tolda ni Jehova sa ilang. (Deu 31:15) Nagkomento si Propesor Franz Delitzsch tungkol sa puwesto ng mga serapin: “Tiyak na ang mga serapin ay hindi lalampas sa ulo Niyaong nakaupo sa trono, kundi lilipad-lipad sila sa ibabaw ng Kaniyang mahabang damit na pumupuno sa bulwagan.” (Commentary on the Old Testament, 1973, Tomo VII, Bahagi 1, p. 191) Ang Latin na Vulgate, sa halip na sabihing “may mga serapin na nakatayo sa itaas niya,” ay nagsasabing nakatayo sila sa itaas “niyaon [ng trono].”—Isa 6:1, 2.
May Mataas na Ranggo. Ang makapangyarihang makalangit na mga nilalang na ito ay mga anghel, at maliwanag na mayroon silang napakataas na posisyon sa kaayusan ng Diyos, yamang ipinakikitang naroroon sila malapit sa trono ng Diyos. Ang mga kerubing nakita sa pangitain ni Ezekiel ay katumbas ng mga mananakbong kasabay ng makalangit na karo ng Diyos. (Eze 10:9-13) Ang ideyang ito na may ranggo o awtoridad ang mga anghel sa langit ay kasuwato ng binabanggit sa Colosas 1:16, na may mga bagay “sa langit at sa ibabaw ng lupa, ang mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di-nakikita, maging mga trono man o mga pagkapanginoon o mga pamahalaan o mga awtoridad.”
-
-
SerapinKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Bilang pagpapakita ng kapakumbabaan at kahinhinan sa presensiya ng Kadaki-dakilaan, tinatakpan nila ang kanilang mga mukha gamit ang isa sa tatlong pares ng kanilang mga pakpak, at palibhasa’y nasa isang banal na lokasyon, tinatakpan nila ang kanilang mga paa gamit ang isa pang pares, bilang paggalang sa makalangit na Hari.—Isa 6:2,
-
-
SerapinKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang Kanilang Anyo sa Pangitain. Kapag inilalarawan ang mga serapin bilang may mga paa, mga pakpak, at iba pa, dapat unawain na ito’y makasagisag lamang. Ang paghahalintulad ng kanilang anyo sa anyo ng mga makalupang nilalang ay paglalarawan lamang sa mga kakayahang taglay nila o sa mga gawaing ginagampanan nila, kung paanong madalas tukuyin ng Diyos ang kaniyang sarili sa makasagisag na paraan bilang may mga mata, mga tainga, at iba pang mga sangkap ng tao.
-