-
Pakikinabang Mula sa ArkeolohiyaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Kung minsan ay napatahimik pa nga ng mga tuklas sa arkeolohiya yaong mga bumabatikos sa kawastuan ng ilang mga pangyayari o mga pananalita na binabanggit sa Bibliya. Halimbawa, nagkaroon ba ng Babilonyong hari na nagngangalang Belsasar at ng Asiryanong hari na nagngangalang Sargon? Hanggang noong ika-19 na siglo, tanging sa rekord ng Bibliya masusumpungan ang mga pangalang ito. (Isa 20:1; Dan 5:1) Ngunit nang matuklasan ang palasyo ni Sargon sa Khorsabad at ang ngayo’y bantog na Nabonidus Chronicle, napatunayan na ang mga tagapamahalang ito ay talagang umiral.
-