Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sargon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Si Sargon ay minsan lamang binanggit sa pangalan sa ulat ng Bibliya. (Isa 20:1) Noong maagang bahagi ng siglong 1800, ang pagtukoy ng Bibliya sa kaniya ay kadalasang minamaliit ng mga kritiko bilang walang halaga sa kasaysayan. Ngunit mula noong 1843, natuklasan sa arkeolohikal na mga paghuhukay ang mga guho ng kaniyang palasyo sa Khorsabad at ang mga nakasulat na rekord ng kaniyang maharlikang mga ulat ng kasaysayan.​—LARAWAN, Tomo 1, p. 955, 960.

      Sa kaniyang mga ulat ng kasaysayan ay inangkin ni Sargon: “Kinubkob ko at nilupig ang Samaria (Sa-me-ri-na).” (Ancient Near Eastern Texts, inedit ni James B. Pritchard, 1974, p. 284) Gayunman, lumilitaw na iyon ay isa lamang mapaghambog na pag-aangkin ni Sargon o ng mga nagnais na lumuwalhati sa kaniya, na dito ay inangkin para sa bagong monarka ang naisagawa ng naunang tagapamahala. Isang kronikang Babilonyo, na maaaring mas neutral, ang nagsasabi may kinalaman kay Salmaneser V: “Sinalanta niya ang Samaria.” (Assyrian and Babylonian Chronicles, ni A. K. Grayson, 1975, p. 73) Sa 2 Hari 18:9, 10, sinasabi lamang ng Bibliya na ‘kinubkob’ ni Salmaneser ang Samaria at na “nabihag nila iyon.” Ihambing ang 2 Hari 17:1-6, na nagsasabing si Salmaneser na hari ng Asirya ay nagpataw ng tributo kay Hosea, na hari ng Samaria, at pagkatapos ay sinabi nito na nang maglaon ay “binihag ng hari ng Asirya ang Samaria.”

  • Sargon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Iniuulat ng mga rekord ng Asirya na ang hari ng Asdod, si Azuri, ay naghimagsik at nakipagsabuwatan laban sa pamatok ng Asirya at na inalis ni Sargon si Azuri at ipinalit sa puwesto niya ang kaniyang nakababatang kapatid. Nasundan ito ng isa pang paghihimagsik, at sinalakay ni Sargon ang Filistia at “kinubkob at nilupig ang mga lunsod ng Asdod, Gat . . . (at) Asdudimmu.” (Ancient Near Eastern Texts, p. 286) Lumilitaw na sa puntong ito tuwirang binanggit ng Bibliya sa Isaias 20:1 ang pangalan ni Sargon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share