-
CiroKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa kinasihang hula ni Isaias hinggil sa pagsasauli ng Jerusalem at ng templo nito, binanggit ang pangalan ng tagapamahalang Persianong ito bilang ang isa na inatasan ng Diyos na Jehova na magpabagsak sa Babilonya at magpalaya sa mga Judiong itatapon doon. (Isa 44:26–45:7) Bagaman ang hulang ito ay itinala mahigit isa at kalahating siglo bago ang pagbangon ni Ciro sa kapangyarihan at bagaman maliwanag na naganap ang pagkatiwangwang ng Juda bago pa man ipanganak si Ciro, gayunpaman ay ipinahayag ni Jehova na si Ciro ang gaganap bilang Kaniyang “pastol” para sa mga Judio. (Isa 44:28; ihambing ang Ro 4:17.) Salig sa patiunang pag-aatas na ito, si Ciro ay tinawag na “pinahiran” (isang anyo ng Hebreong ma·shiʹach, mesiyas, at ng Griegong khri·stosʹ, kristo) ni Jehova. (Isa 45:1)
-
-
CiroKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Kaya lingid kay Haring Ciro, na malamang ay isang paganong deboto ng Zoroastrianismo, sa makasagisag na paraan ay “hinawakan” ng Diyos na Jehova ang kaniyang “kanang kamay” upang akayin o palakasin siya,
-
-
CiroKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
ang mga pintuang-daan nito ay maiiwang di-nakasara, anupat biglaang sasalakayin ang lunsod at hindi magagawang lumaban ng mga kawal ng Babilonya. (Isa 44:27; 45:1, 2; Jer 50:35-38; 51:30-32) Inilalarawan ni Herodotus ang isang malalim at malapad na bambang na nakapalibot sa Babilonya, anupat sinabi niya na maraming pintuang-daang bronse (o tanso) sa panloob na mga pader sa kahabaan ng Ilog Eufrates, na humahati sa lunsod. Ayon kay Herodotus (I, 191, 192), upang makubkob ang lunsod, “binawasan [ni Ciro] ang tubig ng ilog sa pamamagitan ng isang kanal na patungo sa lawa [ang artipisyal na lawa na sinasabing ipinagawa ni Reyna Nitocris bago nito], na hanggang noon ay isang latian, pinababa niya ang batis hanggang sa maaari nang tawirin ang dating lagusan nito. Nang mangyari na ito, ang mga Persiano na nakapuwesto sa layuning ito ay pumasok sa Babilonya sa pamamagitan ng lagusan ng Eufrates, na ang tubig ay bumaba na noon hanggang sa kalagitnaan ng hita. Kung patiuna lamang sanang nalaman o natuklasan ng mga Babilonyo kung ano ang pinaplano ni Ciro, napahirapan sana nila ang mga Persiano sa pagpasok sa lunsod at napasapit ang mga ito sa kanilang miserableng wakas; sapagkat maaari sana nilang isara ang lahat ng pintuang-daan na nakaharap sa ilog at maaari sana silang umakyat sa mga pader na nasa kahabaan ng mga pampang ng ilog, anupat mahuhuli nila ang kanilang mga kaaway na parang nasa isang bitag. Ngunit gaya ng nangyari, hindi nila namalayan ang pagpasok ng mga Persiano, at dahil napakalaki ng lunsod—ayon sa mga naninirahan doon—yaong mga nasa gawing labas ay napanaigan, samantalang walang kaalam-alam tungkol dito ang mga naninirahan sa gawing gitna; abala sila noon sa pagsasayawan at pagpapakasaya sa isang kapistahan . . . hanggang sa malaman nila ang buong katotohanan. [Ihambing ang Dan 5:1-4, 30; Jer 50:24; 51:31, 32.] Sa gayong paraan nabihag ang Babilonya sa kauna-unahang pagkakataon.”
Ang ulat ni Xenophon ay naiiba nang kaunti kung tungkol sa mga detalye ngunit naglalaman ng gayunding mga pangyayari gaya ng inilahad ni Herodotus. Sinabi ni Xenophon na inisip ni Ciro na halos imposibleng daluhungin ang matitibay na pader ng Babilonya at pagkatapos ay inilahad niya ang pagkubkob nito sa lunsod, anupat inilihis ang mga tubig ng Eufrates patungo sa mga trinsera at, habang nagdiriwang ng kapistahan ang lunsod, pinalusong nito ang kaniyang mga hukbo sa pinakasahig ng ilog patungo sa kabila ng mga pader ng lunsod. Dinatnan ng mga sundalong pinangungunahan nina Gobryas at Gadatas ang mga bantay na walang kamalay-malay at nakapasok sila sa mismong mga pintuang-daan ng palasyo. Sa isang gabi “ang lunsod ay nabihag at ang hari ay pinatay,” at ang mga kawal ng Babilonya na nakatalaga sa iba’t ibang kuta ay sumuko sa kinaumagahan.—Cyropaedia, VII, v, 33;
-