Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ciro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • inihahanda at pinapatag ang daan para maisakatuparan niya ang layunin ng Diyos: ang pagsakop sa Babilonya. (Isa 45:1, 2,

  • Ciro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Patiunang sinabi sa mga hula ng Bibliya tungkol sa pananakop ni Ciro sa Babilonya na ang mga ilog nito ay matutuyo at ang mga pintuang-daan nito ay maiiwang di-nakasara, anupat biglaang sasalakayin ang lunsod at hindi magagawang lumaban ng mga kawal ng Babilonya. (Isa 44:27; 45:1, 2; Jer 50:35-38; 51:30-32) Inilalarawan ni Herodotus ang isang malalim at malapad na bambang na nakapalibot sa Babilonya, anupat sinabi niya na maraming pintuang-daang bronse (o tanso) sa panloob na mga pader sa kahabaan ng Ilog Eufrates, na humahati sa lunsod. Ayon kay Herodotus (I, 191, 192), upang makubkob ang lunsod, “binawasan [ni Ciro] ang tubig ng ilog sa pamamagitan ng isang kanal na patungo sa lawa [ang artipisyal na lawa na sinasabing ipinagawa ni Reyna Nitocris bago nito], na hanggang noon ay isang latian, pinababa niya ang batis hanggang sa maaari nang tawirin ang dating lagusan nito. Nang mangyari na ito, ang mga Persiano na nakapuwesto sa layuning ito ay pumasok sa Babilonya sa pamamagitan ng lagusan ng Eufrates, na ang tubig ay bumaba na noon hanggang sa kalagitnaan ng hita. Kung patiuna lamang sanang nalaman o natuklasan ng mga Babilonyo kung ano ang pinaplano ni Ciro, napahirapan sana nila ang mga Persiano sa pagpasok sa lunsod at napasapit ang mga ito sa kanilang miserableng wakas; sapagkat maaari sana nilang isara ang lahat ng pintuang-daan na nakaharap sa ilog at maaari sana silang umakyat sa mga pader na nasa kahabaan ng mga pampang ng ilog, anupat mahuhuli nila ang kanilang mga kaaway na parang nasa isang bitag. Ngunit gaya ng nangyari, hindi nila namalayan ang pagpasok ng mga Persiano, at dahil napakalaki ng lunsod​—ayon sa mga naninirahan doon​—yaong mga nasa gawing labas ay napanaigan, samantalang walang kaalam-alam tungkol dito ang mga naninirahan sa gawing gitna; abala sila noon sa pagsasayawan at pagpapakasaya sa isang kapistahan . . . hanggang sa malaman nila ang buong katotohanan. [Ihambing ang Dan 5:1-4, 30; Jer 50:24; 51:31, 32.] Sa gayong paraan nabihag ang Babilonya sa kauna-unahang pagkakataon.”

      Ang ulat ni Xenophon ay naiiba nang kaunti kung tungkol sa mga detalye ngunit naglalaman ng gayunding mga pangyayari gaya ng inilahad ni Herodotus. Sinabi ni Xenophon na inisip ni Ciro na halos imposibleng daluhungin ang matitibay na pader ng Babilonya at pagkatapos ay inilahad niya ang pagkubkob nito sa lunsod, anupat inilihis ang mga tubig ng Eufrates patungo sa mga trinsera at, habang nagdiriwang ng kapistahan ang lunsod, pinalusong nito ang kaniyang mga hukbo sa pinakasahig ng ilog patungo sa kabila ng mga pader ng lunsod. Dinatnan ng mga sundalong pinangungunahan nina Gobryas at Gadatas ang mga bantay na walang kamalay-malay at nakapasok sila sa mismong mga pintuang-daan ng palasyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share