HEPZIBA
[Ang Kaluguran Ko ay Nasa Kaniya].
1. Asawa ni Hezekias at ina ni Haring Manases.—2Ha 20:21; 21:1.
2. Sa ilang salin ng Bibliya, ang pangalang “Hepzi-ba” ay ikinapit sa Jerusalem sa isang hula ng pagsasauli. (Isa 62:4, AS, KJ, Ro) Sa talatang ito, ang ibang salin ay gumamit ng mga pananalitang, “Ang kasiyahan ko sa kaniya” (Dy), “Aking Kinalulugdan” (BSP), at “Ang Kaluguran Ko ay Nasa Kaniya.” (NW, AT, RS) Inihulang kalulugdan ni Jehova ang lunsod na ito at ito’y magiging “isang korona ng kagandahan” sa kaniyang kamay.—Isa 62:1-4.